Ai ai “magpapahinga” bilang talent manager ng grupong Ex-Batallion | Bandera

Ai ai “magpapahinga” bilang talent manager ng grupong Ex-Batallion

Julie Bonifacio |June 06,2018
facebook
share this

Ai ai “magpapahinga” bilang talent manager ng grupong Ex-Batallion

Julie Bonifacio - June 06, 2018 - 12:05 AM

AI AI DELAS ALAS

NAGTAKA ang netizens sa post ni Ai Ai delas Alas sa kanyang Instagram account na pansamantala niyang “pamamahinga” bilang talent manager ng grupong Ex-Batallion. Mensahe niya ‘to para sa mga gustong kumuha
sa grupo para mag-perform.

Agad na nag-conclude ang ilang netizens na may problema si Ai Ai sa kanyang alagang grupo. May lumabas na ulat din kasi na totoong binalak ni Ai Ai na layasan at nais turuan ng leksyon ang kanyang mga alaga.

Post ng komedyana, “Effective June 4, 2018, I, together with Ms. Ma. Lourdes Gonzales, will be taking a month-long leave of absence as talent manager and road manager of Ex-Batallion. Should you wish to engage their services for your events, please contact James Samonte, the most senior member of the group thru their official Facebook page or Instagram account. Thank you.”

Tinext namin si Ai Ai para alamin kung ano ang dahilan ng kanyang one-month leave of absence bilang manager ng Ex-Battalion, ito ang kanyang sagot, “Wala, Mare. Okey na kasi may bago akong show, e. Medyo hectic ang schedule ko. Inayos ko na schedule ko mare. Okey na siya.”

Tinanong din namin si Ai Ai kung may kinalaman ba ang kantang ginawa ng Ex-Batallion na ‘di raw nila alam na gagamitin pala para sa bagong serye ni Alden Richards.

Although, ayon sa Ex-B sa umpisa ay clueless sila kung para saan ang ipinagawa sa kanilang kanta. Pero sinabi raw ni Ai Ai sa grupo na dapat ay may pagka-superhero ang gawin nilang lyrics.

Inisip na lang daw ng Ex-B ang superhero na si Thor. Later ay nalaman nila na gagamitin pala ang kanta para sa serye ni Alden. At lalo pa raw silang natuwa nu’ng makikipag-collaborate pala sila kay Alden.
Nabanggit din namin kay Ai Ai through text kung gaano ka-proud sa kanya ang direktor niya para sa bago niyang Cinemalaya movie, ang “School Service,” na si Louie Ignacio sa media launch ng bagong movie outfit at sister company ng BG Productions International ni Madame Baby Go na pinangalanan niyang Global Films Production International.

All praises si Direk Louie sa pagiging professional, walang arte at napakahusay na aktres ni Ai Ai. Nasa ibang level na raw talaga siya bilang aktres sa pelikula nilang “School Service”.

When we asked Ai Ai regarding her chance to win the Best Actress award sa Cinemaya, this is what she has to say, “Hehehe! Si God na bahala kung papanalunin niya ako or hindi.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending