Horoscope, June 05, 2018 | Bandera

Horoscope, June 05, 2018

Madam Sophia |June 05,2018
facebook
share this

Horoscope, June 05, 2018

Madam Sophia - June 05, 2018 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Magmadali bago maka-alpas ang tagumpay. Sunggaban agad ang inaalok na pagkakakitaan ng isang Libra. Sa pag-ibig, minsan lang mag-init ang kasuyo, pagbigyan mo na para makaraos. Mapalad ang 9, 14, 25, 34, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “It’s now or never!” Green at siver ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Walang pinakamabisang paraan upang yumaman kundi ang magtipid at mag-ipon. Sa pag-ibig at pinansyal wag magpatangay sa luho ng minamahal, turuan siyang magsinop ng kabuhayan. Mapalad ang 6, 17, 19, 28, 37 art 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Savitra-Dosya-Om.” Beige at red ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Dagdag na sipag pa ang kailangan upang tuloy-tuloy na lumago ang kabuhayan. Sa pag-ibig, wag apurahin ang anumang bagay, ang lahat ay nakukuha sa dahan-dahan at hinay-hinay lang upang higit na mas masarap at mas maging maligaya ang kasalukuyan mong karanasan. Mapalad ang 9, 18, 27, 33, 46 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ravaye-Om”. Maroon at lilac ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—May paglalakbay na magaganap. Ang paglayo sa sariling bayan ang maghahatid sa malaking pag-unlad. Sa pag-ibig, hayaang mangulila ang kasuyo upang sa iyong pagbabalik, mainit na romansa ang kapalit. Mapalad ang 5, 11, 25, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agni-Agni-Om.’ Blue at yellow ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Hindi uubra ang puwede na, kailangan mong gawin ang “the best” at ang pinakamahusay upang umunlad ang buhay. Sa pag-ibig, hindi puwede ang puwede na, kailangang mapaligaya mo ng husto ang iyong minamahal. Mapalad ang 2, 11, 18, 28, 43 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Rama-Om.” Green at lilac ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Lakas ng loob ang susi upang magtagumpay. Sa pag-ibig at aspetong pang-pinasyal, tularan ang leon, hindi natatakot sa anomang hamon ng buhay. Magsimula ka na ngayon -sumugod ng sumugod hanggang magtagumpay. Mapalad ang 1, 7, 28, 33, 45 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Sa taong buo ang loob ang yaman ay lubos.” Yellow at red ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Hindi kailangang maging perpekto ang lahat ng bagay. Gawin mo lang ng simple upang ikaw ay makatapos at makapagsimulang muli. Sa pag-ibig, wag hanapan ang kasuyo, wala namang taong perpekto, kahit nga ikaw ay may kapintasan din. Mapalad ang 7, 15, 23, 42, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Varuna-Beeja-Om.” Lilac at green ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Huwag makisawsaw sa problema ng iba. Mahilig ka kasing maki-alam ayan, nautangan ka tuloy. Sa pag-ibig, tuloy ang mainit at maligayang pakikipag-relasyon sa isang Aquarius. Mapalad ang 3, 14, 27, 33, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Red at violet ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Sa pinansiyal, basta’t ituloy lang ang dati mo ng mga plano at balak, makikita mo, tulu-tuloy kang susuwertehin at magtatagumpay. Sa pag-ibig, punan ang mga pagkukulang sa iyong minamahal mamayang gabi, painitin ang kasuyo habang umuulan. Mapalad ang 3, 12, 21, 35, 39 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Manik-Aum-Moti.” Orange at pink ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Muli na namang aangal ang iyong kasuyo, pero wala siyang magagawa kundi ang sumunod sa iyo. Ganyan talaga ang role mo sa buhay, ang utusan at pasunurin ang iyong minamahal. Sa bagay sa ganyang set-up ng iyong relasyon, lalo kayong uunlad hanggang sa tuluyang yumaman. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Surya-Aum-Surya-Om.” Blue at white ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Bagong lipunan, bagong mundo at mga bagong kaibigan ang kailangan upang lumago ang kabuhayan. Tularan mo ang kambing bago at ibat-ibang damuhan ang pinupuntahan. Mapalad ang 9, 17, 28, 33, 43 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Arkaye-Aum-Aum-Arkaye.” Brown at magenta ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Upang hindi sumama ang loob wag maghintay ng kapalit sa mga naitulong mo sa iba. Ang pagawa ng kabutihan ay ginagantihan hindi ng kapwa mo tao, kundi ng langit. Habang nagpapakatino at nagpapakabuti ka, magsisimula at tuloy-tuloy ng darating ang mga biyaya at mga pagpapala. Mapalad ang 7, 19, 28, 37, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Pad-Me-Om”. Red at white ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Huwag kainipan ang pagdating ng suwerte. Sa pangingibang bansa, kusa kang uunlad. Sa pag-ibig, isang mayamang nilalang ang naghihitay sa iyo, siya ay isinilang sa zodiac sign na Aquarius. Mapalad ang 7, 14, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Manu-Ketu-Manu-Om”. Silver at green ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending