Willie nakuha ang kiliti ni Digong; tatakbong senador o QC mayor? | Bandera

Willie nakuha ang kiliti ni Digong; tatakbong senador o QC mayor?

Ervin Santiago |June 05,2018
facebook
share this

Willie nakuha ang kiliti ni Digong; tatakbong senador o QC mayor?

Ervin Santiago - June 05, 2018 - 12:30 AM

HINDI lang sa mga senior citizen o mga lolo’t lola malakas ang karisma ni Willie Revillame, kundi pati na rin kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa iba pang mga kilalang politiko.

Tila nakuha rin ng TV host-comedian ang kiliti ni PDu30 dahil balitang patuloy pa rin siyang nililigawan ng Pangulong Duterte para tumakbong senador sa darating na eleksyon.

Kamakailan ay nagkita ang dalawa sa burol ng yumaong ama ni Aga Muhlach na si Cheng Muhlach at dito nga raw nagkaroon ng chance magkausap nang masinsinan ang dalawa. Ayon sa ulat, nangako raw si Digong na susuportahan niya ang political plans ni Willie.

May mga nagsasabi na pwedeng-pwedeng tumakbong senador ang TV host pero may balita ring baka raw tumakbo siyang Mayor ng Quezon City.

Mas tumindi pa ang usaping ito nang makitang magkasama sina Willie at ang vice mayoral bet na si Congressman Winnie Castelo na naghahanap ng lugar sa QC para patayuan ng pabahay para sa mga mahihirap nating kababayan.

Wala pang official statement si Willie tungkol sa pagpasok niya sa politika sa 2019 pero ngayon pa lang ay nagpapahayag na ng suporta ang kanyang mga loyal fans, kabilang na ang mga senior citizens.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending