Hugot pa more: Vice, Coco may tampuhan pa rin | Bandera

Hugot pa more: Vice, Coco may tampuhan pa rin

Reggee Bonoan |June 05,2018
facebook
share this

Hugot pa more: Vice, Coco may tampuhan pa rin

Reggee Bonoan - June 05, 2018 - 12:10 AM

VICE GANDA AT COCO MARTIN

SA event ng Baby Go Production para ipakilala ang mga nilang talent ay pinag-uusapan ng entertainment media ang pelikulang gagawin ni Vice Ganda para sa 2018 Metro Manila Film Festival.

Nagtatanungan kasi kung may tampuhan pa rin sina Vice at Coco Martin dahil mas pinili ng huli na makasama sa pelikula si Vic Sotto na matagal na raw niyang pangarap.

Bagama’t nagpahayag na rin sa amin noon si Vice na wala silang gap ni Coco at mag-bestfriend pa rin sila ay nauunawaan niyang gustong makasama ng kaibigan niya si bossing Vic at okay sa kanya iyon.

Pero ang sitsit ng katoto na nakausap ni Vice kamakailan, “Hindi ako naniniwalang wala silang tampuhan ni Coco, kasi nu’ng nakausap ko si Vice recently, sabi niya, ‘sa pagkakaalam ko, magkaibigan kami ni Coco.’ Read between the lines.”

Para sa amin, iyon naman din talaga ang alam ni Vice, bestfriends sila ni Coco kaya ang dapat tanungin ngayon ay ang bida ng FPJ’s Ang Probinsyano kung magkaibigan pa rin sila ng GGV at It’s Showtime host?

Dagdag pang sabi ng nakausap namin sa event, “Lumalabas, pagtutulungan nina Vic at Coco si Vice?”

Anyway, kung tama ang narinig namin ay “Funtastic Vice” ang working title ng MMFF entry ng TV host-comedian at wala pang binanggit kung sino ang mga makakasama at kung sino ang direktor.

Hirit ng kausap naming blogger, “Si direk Joyce (Bernal) pa rin ang direktor.” Tinext namin agad si Binibining Joyce tungkol dito at ang sagot niya, “Hindi po ako.”

Tinext namin si Vice kung sino ang direktor at kung sino ang mga makakasama niya sa pelikula pero hindi pa niya kami sinasagot.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending