Edward niregaluhan ng 'airplane' si Maymay: May hugot 'yun! | Bandera

Edward niregaluhan ng ‘airplane’ si Maymay: May hugot ‘yun!

|June 05,2018
facebook
share this

Edward niregaluhan ng ‘airplane’ si Maymay: May hugot ‘yun!

- June 05, 2018 - 12:20 AM

DALAWA pala ang birthday gift ni Edward Barber sa kanyang ka-loveteam na si Maymay Entrata.

Ito ang ikinuwento ng dalawang bagets sa panayam ng ABS-CBN.

Ayon kay Maymay, si Edward daw ang nag-treat sa kanya sa nakaraang trip nila sa Bali, Indonesia. Ito raw yung ipinangako ng binata kay Maymay matapos mapurnada ang pagpunta sana nila sa US.

Bukod dito, binigyan din daw ng young actor ang dalaga ng isang miniature “airplane” na ikinabit niya sa kanyang bracelet. May hugot daw ito sabi ni Maymay.

“Sabi kasi niya, parang eroplano I can fly anywhere. May freedom ako na gawin ang gusto kong gawin at sabihin ang gusto kong sabihin. So, I can be an airplane,” sabi ni Maymay sabay tawa na may halong kilig.

Marami-rami na ring bansa ang napuntahan ng MayWard kabilang na nga ang Indonesia, Singapore, Taiwan, Hongkong, Germany at France. Dream daw nila na makapunta together sa US.

Excited na rin daw sila sa pagbisita sa Hawaii para sa summer special ng ASAP.

Nagpasalamat din sina Edward at Maymay sa mga MayWard Flyers na walang sawang sumusuporta sa kanila. “Salamat sa pagsama sa aming journey sa showbiz. Wala kami rito kung wala kayo na nagmamahal sa amin,” mensahe ni Maymay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending