Horoscope, June 03, 2018 | Bandera

Horoscope, June 03, 2018

Madam Sophia |June 03,2018
facebook
share this

Horoscope, June 03, 2018

Madam Sophia - June 03, 2018 - 03:08 PM

Para sa may kaarawan ngayon: Hindi ka ipinanganak upang utusan. Ikaw ay natural na leader. Gamitin ang pagiging-leader upang umunlad. Sa pag-ibig, lagi mong pasunurin ang iyong kasuyo, upang ang buhay nyo ay mas madaling umunlad at umasenso. Mapalad ang 3, 12, 21, 35, 39 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Manik-Aum-Moti.” Red at pink ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Tandaang ang kalusugan ay kayamanan. Palakasin ang katawan sa pagkain ng maraming prutas at gulay. Sa pag-ibig, ang pakikipag-romansahan ay nagpapalakas din ng immune system. Mapalad ang 8, 17, 23, 25, 36 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.” Green at yellow ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Pag-ibig ang susi upang lumigaya at magtagumpay. Laging bigyan ng sapat na pagmamahal ang kasuyong Virgo. Sa pinansyal, ipadama sa mga kliyente na mahal mo sila at makikita mo, kusang darami ang iyong kinikita. Mapalad ang 9, 18, 27, 33, 46 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ravaye-Om”. Maroon at lilac ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Habang naka-tanglaw ang signos ni Gemini sa kalangitan tuloy ang dating ng magandang kapalaran. Matutong mag-ipon, upang sa susunod na mga araw hindi ka na magipit. Sa pag-ibig, mamayang gabi bigyan ng masarap na halik ang kasuyo. Mapalad ang 8, 23, 28, 34, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Kesar-Kapor-Om.” Blue at silver ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Pasukan na! Husayan pang lao ang pagba-budget. Maglakad na lang kung ihahatid patungong eskuwela ang mga bata o kaya’y mag bisiklet. Nakapag-exercise ka na, nakatipid ka pa. Sa pag-ibig, sawayin ang kasuyo sa kape-Facebook upang makatipid sa kuryente. Mapalad ang 7, 17, 28, 34, 41 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agiel-Yophiel-Om”. Green at gold ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Sa pagpapakumbaba, mas maraming kita ang aanihin. Sa pag-ibig, iwasang makipagtalo sa minamahal, upang hindi masira ang araw mo. Mapalad ang 9, 18, 28, 33, 45, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Taph-Harath.” Yellow at purple ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Kapag mabilis mong natatapos ang isang proyekto, mas mabilis ding darami ang iyong kita. Sa pag-ibig, hindi ka naman dapat mag madali, hinay-hinay lang sa pakikipag-romansahan. Mapalad ang 3, 9, 23, 27, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Beige at lilac ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Lagi namang pagkain ang weakness mo, pero hindi ka dapat na maging matakaw. Wag mong tutularan ang baboy – masiba. Upang mapanatili mo ang iyong kagandahan at ka-seksihan regular na ehersisyo ang dapat. Mapalad ang 3, 18, 27, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dhipana-Om-Bodhana.” Violet at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Sa pinansyal, sugod lang ng sugod hanggang sa umasenso. Sa pag-ibig, hindi ka liligaya kung mananatili kang duwag. Tularan mo ang alakdang dagat, matapang. Mapalad ang 1, 10, 19, 28, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Tara-Beha-Jovecal.” Yellow at white ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Jupiter ang ruling planet mo, sumisimbolo ng isang suwerte at matagumpay na pamumuhay. Ganon paman, kailangang magkaroon ka ng definite chief aim, upang ang iisang layuning ito ang dapat na pag-konsentretan – pagpapayaman! Mapalad ang 9, 12, 15, 24, 33, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Durate-Rebus-Om.” Red at white ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Magdisplay ng mga bagay na hugis bilog, upang mas madaling maaakit ang limpak-limpak na salapi. Sa pag-ibig laging gumamit ng kulay na magenta, upang mas lalong pang sumarap ang romansa. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Secundus-Nulli-Secunda.” Black at purple ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Ayusin ang sarili at kusang maayos ang iyong kapalaran. Sa pag-ibig kapag lagi kang bagong paligo at mabango, masayang relasyon ang babalik sa iyo. Sa pinansyal, ang pera inaakit ng kapwa nya pera – matututong mag-impok. Mapalad ang 5, 18, 23, 32, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Purana-Purana-Visnu.” Blue at gray ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Tubig ang iyong elemento kaya nga ngayong papalapit na ang tag-ulan, walang kahirap hirap lalo kang susuwertehin at aasesno. Sa pag-ibig habang pumapatak ang ulan sa paligid, sopresa pero masarap na pakikipag-romansahan ang mararanasan. Mapalad ang 7, 16, 25, 39, 40 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum-Aum.” Green at yellow ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending