Piolo nangako sa nanay: Bibigyan ko siya ng maraming apo, pag 50 na ako! | Bandera

Piolo nangako sa nanay: Bibigyan ko siya ng maraming apo, pag 50 na ako!

Reggee Bonoan |June 03,2018
facebook
share this

Piolo nangako sa nanay: Bibigyan ko siya ng maraming apo, pag 50 na ako!

Reggee Bonoan - June 03, 2018 - 12:10 AM

NAGDIRIWANG ng 348th anniversary ang Makati City at isa sa highlight ng kanilang 10-day celebration ay ang Miss Makati Coronation Night sa Hunyo 9 sa Globe Circuit Event Grounds, Makati na lalahukan ng 16 kandidata.
W
alang magaganap na swimsuit competition sa event ayon mismo sa organizer para raw maiba naman.

Ang 16 kandidatang maglalaban-laban para sa Miss Makati 2018 ay sina Alexis Micaela Simbulan, Cristelle Unisa Karla O’Hara, Dana Ashley Mayo, Cristine Allen Rada, Maria Kathleen Agulto, CJ Viray, Henna Santos, Clarice Gutierrez, Irina Cortez, Millen Cueto, Andrea Yap Diangco, Fatima Thamara Loong, Maria Frencheska Nueva, Diana Rose Santos at Aya Frances Cruz.

Ang tatanghaling Miss Makati 2018 ay mananalo ng P200,000; Miss Makati Tourism, P150,000 at Miss Makatizen, P100,000.

Ngayong araw, Hunyo 3 gaganapin ang Family Day at Matina’s Arts & Crafts Corner sa Makati City Hall Quadrangle; Hunyo 4 – Sayaw Galaw (Museo ng Makati); Hunyo 5-Pineapple Jam (Poblacion Park); Hunyo 6 – Movie under the Stars (Globe Circuit event grounds); Hunyo 7 – Job Fair (Glorietta Activity Center), Throwback Thursday (Barangay Bel-Air covered court); Hunyo 8 – Night Market x Interactive Art (Plaza Cristo Rey); at Hunyo 10 – The Grand Salu-Salo (Lawton Street).

q q q

Sa edad na 41 ay hindi itinanggi ng aktor na si Piolo Pascual na hinihiritan na siya ng kanyang inang si Amelia Nonato Pascual ng isa pang apo dahil nga binata na ang panganay nitong si Inigo Pascual.

Kuwento ni Piolo sa launching ng bago niyang endorsement, ang My Daily Collagen, “Naiinip na nga ang nanay ko na magkaapo uli. Sabi ko, pag nag-50 na ako kahit ilan pang apo eh, ibibigay ko sa kanya.

“Kasi sabi ko dati, 35, 40 na ngayon, ano pa ba? Seryoso, gusto ko pa kasi mag-enjoy sa buhay ko. I’m 41 now I’ve got about a couple of years and bago tumanda nang lubusan ang nanay ko, siyempre gusto ko siyang bigyan ng bagong apo because she always makes me kulit.

“Ang dami ko pa kasi gustong gawin sa buhay ko, eh. Hindi na nga ako lumalabas ng bahay because I have work. Kaya paano pa magde-date? Buti pa nga ang anak ko, meron na.

“Now, that other concern, I keep myself busy kaya nga I don’t even have the time to think about it na. At saka wala naman akong girlfriend o karelasyon. At saka, kasama ko sa bahay ko ang nanay ko,” ani Piolo.

Pitong araw napapanood sa telebisyon si Piolo, mula Lunes hanggang Biyernes ay meron siyang Since I Found You, kapag Sabado naman ay nasa Home Sweetie Home sitcom siya at kapag Linggo ay nasa ASAP naman siya.

Nabanggit din ng aktor na hindi na siya muna gagawa ng pelikula dahil hindi na niya kakayanin pa, “Mahirap po kasing magpelikula habang may teleserye, hindi ko kakayanin,” aniya.

Ang pagpo-produce ng pelikula na lang muna ang aasikasuhin niya kasama ang co-producers niyang sina Binibining Joyce Bernal at Erickson Raymundo ng Spring Films.

May apat na movie project ang Spring Films, say ni Piolo kasama na ang “Marawi” na isang war movie na mismong sa pinangyarihan ng giyera nila planong mag-shoot.

Sa sobrang busy ni Piolo ay hindi halatang pagod siya dahil ang fresh pa rin ng kutis niya at pati aura ng aktor ay blooming. Umamin siya na maalaga siya sa sarili, maaga siyang natutulog. Umamin din siyang mapili sa skincare products.

Bukod sa mga bitaminang iniinom ni Piolo ay nadagdag nga ang My Daily Collagen sa mga maintenance niya. Inireseta raw kasi ito sa kanya ng doktor para sa injury na natamo niya sa paglalaro ng badminton bukod pa sa pampaganda rin ito ng kutis.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kuwento ng aktor, “I had bone injury and I needed this because my doctor says I needed Type 1. I am aging, to prevent injuries, I need this to protect myself and all you need is one bottle a day. I use whey protein before but it made me heavy, this repair and help my bone strength. It’s not just a skin enhancer, it has a lot of benefits, plus it’s also in mango flavor. It’s addicting. Ha-hahaha!

“My energy changes, it really works! This is also FDA approved. So, we have no problem because it’s available in leading drug stores,” sabi pa ni PJ.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending