51 points ni Lebron James balewala; Cavs tinalo ng Warriors sa Game 1

By Dennis Christian Hilanga June 01,2018
share this

51 points ni Lebron James balewala; Cavs tinalo ng Warriors sa Game 1

By Dennis Christian Hilanga June 01,2018
share this

BINALEWALA ng Golden State ang 51 puntos ni Lebron James upang lusutan ang Cleveland sa overtime, 124-114, sa Game 1 ng NBA Finals sa Oracle Arena, Oakland, California, USA.

Kinapitan ng Warriors ang mintis na free throw ni George Hill at ang pagkakamali ni J.R. Smith sa huling 4.7 ng laban na nagdala sa laro sa karagdagang limang minuto.

Matapos tumabla sa 107-all sa regulation, sinamantala ng Warriors ang pagkakataon para pakawalan ang 7-0 bomba sa extra period, 114-107, na naging sapat na puwang para itakas ng Warriors ang panalo at kunin ang 1-0 lead sa best-of-seven series.

Kumamada si Stephen Curry ng 29 puntos buhat sa 5/11 shooting mula sa three point range at bagama’t nangapa sa kanyang mga tira, kumolekta pa rin si Kevin Durant ng 26 puntos (8/22 shooting clip).

Nag-ambag si Klay Thompson ng 24 puntos habang may 13 si Draymond Green at may 10 si Shaun Livingston para sa Warriors.

Nagtala naman ng 21 puntos at 13 rebounds si Kevin Love sa kanyang pagbabalik laro matapos magka-concussion habang nagdagdag si Smith ng 10 puntos para sa Cavaliers.

Si James, Love at Smith lamang ang mga Cavs na umiskor ng double digits.

Gagawin ang Game 2 sa bahay pa rin ng Warriors kung saan posibleng hindi makasama ng Cavaliers si forward Tristan Thompson matapos ma-eject sa Game 1 dahil sa flagrant foul penalty 2 na ipinataw sa kanya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending