Si Sir allergic sa salitang ‘bakla’

By Den Macaranas June 01,2018
share this

Si Sir allergic sa salitang ‘bakla’

By Den Macaranas June 01,2018
share this

SA lahat ng bagay na ayaw marinig ng pulitikong bida sa ating kwento ngayong araw ay ang tawagin siyang bakla.

Napaka-sensitive niya sa salitang “bakla” at kapag ito ang sinabi mo sa kanya nang harapan ay malamang na pagmulan ito ng World War III.

Nitong nakalipas na ilang araw ay laging mainit ang ulo ni Sir na isang kilalang mambabatas sa ating bansa.

Siya ay nagmula sa angkan ng mga pulitiko at kilalang mahusay at inirerespetong pulitiko rin ang kanyang ama na hanggang ngayon ay visible pa rin sa ilang mga political events.

Batid ng kanyang mga staff na kaya mainit ang ulo ng kanilang amo ay dahil bibitawan na niya ang isang sensitibong pwesto bilang mambabatas na nangyari naman kamakailan lang.

Pero bukod doon ay meron palang bagay ang mas lalong nagpapainit ng ulo ng ating bida.

Apektado siya sa mga posts sa social media ng isang netizen na gumagamit ng pangalan ng kanyang dating misis.

Sa bawat post kasi ng nasabing netizen ay lagi niyang tinatawag na “bakla” si Sir.

Dumating pa nga sa punto na pati ang mga kaanak nito ay kinausap na ang mga staff ni Sir na makipag-ugnayan sa Facebook at Twitter para burahin ang mga posts at i-ban ang troll na tumatawag na bakla sa ating bida.

Aminado ang mga staff ni Sir na dahil sa panggagalaiti ng kanilang amo ay parang gusto na rin nilang maniwala na kulay berde ang kulay ng dugo ni Sir dahil sa kanyang ipinapakitang reaksyon kapag naririnig ang salitang bakla.

Sa totoo lang ay matagal na ring isyu ang umano’y pagiging silahis nito at minsang napaulat na iyun ang dahilan kaya siya hiniwalayan ng kanyang dating misis na super ganda pa rin hanggang ngayon.

Ang bida sa ating kwento ngayong araw ay si Mr. P….as in Pakakak.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending