Diabetes saklaw ba ng ECC?

By Liza Soriano June 01,2018
share this

Diabetes saklaw ba ng ECC?

By Liza Soriano June 01,2018
share this

DEAR Ms. Liza Soriano
Isa po akong empleyado sa isang technology company bilang computer programmer dito sa Maynila. Nagkaroon po ako ng sakit na diabetes na naging epekto sa paglabo at tuluyan ng di makakita.
Pwede po bang makahinge ng financial assistance sa ECC?
Maraming Salamat po at mabuhay po kayo!
Jinky O. Rey
Lower Bicutan
Taguig City

REPLY:
I qualify natin kung ang pagkakasakit ay work related kayo po ay entitled sa sickness benefits pero kung ang uri ng sakit ay di pasok sa mga nasa listahan ng ECC dahil may kalumaan na po ang klase ng sakit na saklaw dito. Mangangailangan pa po na aprubahan ng Board ng ECC ang pag update po dito.
Samakatuwid po ang sakit na diabetes ay hindi pa po nabibilang sa saklaw ng klase ng sakit na nabibilang sa ECC dahil sa ating panahon eto po ay klase ng lifestyle disease.
Maaari po kayong magtungo sa aming tanggapan kung kayo po ay may mga katanungan pa.
Maraming Salamat po
Atty. Jonathan
Villasoto
Deputy Executive
Director
ECC

Atin pong hihingi ng paumanhin na nagkaroon po ng pagkakamali sa paglalagay ng letter sender name sa katauhan ni Gg . Gerry Rubio na lumabas sa column noong Mayo 26, 2018, Sabado na may title na 3 taon walang kontrata.

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
q q q
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending