Vice bawal mag-absent sa Showtime; Vhong nagtampo dahil kay Jhong? | Bandera

Vice bawal mag-absent sa Showtime; Vhong nagtampo dahil kay Jhong?

Ambet Nabus |May 31,2018
facebook
share this

Vice bawal mag-absent sa Showtime; Vhong nagtampo dahil kay Jhong?

Ambet Nabus - May 31, 2018 - 12:25 AM

WALANG dudang laging trending at araw-araw na tinututukan ng sambayanan ang finals ng Tawag Ng Tanghalan sa It’s Showtime.

Sa rami ng mahuhusay at magagaling kumanta, para ka talagang nanonood ng concert araw-araw.
At balitang sinabihan talaga ang lahat ng hosts ng Showtime lalo na si Vice Ganda na bawal na bawal um-absent dahil ito raw yung time na ratsada din sa rating ang noontime show.

Balitang on leave pa rin si Billy Crawford kaya’t di talaga siya napapanood since two weeks ago pa. Kahit nga raw ang Hashtags ay pinagbawalang um-absent dahil bongga rin daw ang rating ng show kapag portion na nila.

And take note, may additional revenues pa ang show dahil sa mga biglaang sponsors na pumapasok during the TNT grand finals plus limpak-limpak na text votes from the 12 grand finalists.

This coming Saturday, mare-reduce na lang sa anim ang bilang ng maglaban-laban sa final showdown.

Anyway, agree naman kami sa mga komento ng madlang pipol na si Vice Ganda talaga ang buhay at puso ng It’s Showtime. Kulang na kulang ang programa kapag wala siya.

q q q

May mga nakaka-miss naman kay Vhong Navarro last Tuesday pero may importante raw itong lakad kaya absent sa show. Hindi raw true ang tsikang nagtampo ang comedian sa magandang feedback ng mga bosing sa istilo ng hosting ni Jhong Hilario.

Nitong mga nakaraang araw daw kasi na wala si Vice ay nag-step up si Jhong bilang main host, at napuri ng mga executives. Ito diumano ang naging dahilan para magtampo ang kaibigan nitong si Vhong dahil sa tagal na raw ni Vhong bilang main host ay hindi pa siya napuri nang bonggang-bongga.

Pero agad din itong dinenay ng aming source, “Parang magkapatid iyan. Nagtutulungan ang dalawang iyan sa maraming bagay for the show. Hindi nila papatulan ang ganyang tsismis.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ay sa totoo lang, mas established na namang host si papa Vhong. Timing at napapanahon lang siguro ang hosting style ni Jhong sa absence ng ilang main hosts kaya napansin siya.

He deserves it naman kahit pa nga at times ay inookray siya nang wagas ni Vice Ganda.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending