Kris pinatunayang naka-move on na kay James | Bandera

Kris pinatunayang naka-move on na kay James

Ervin Santiago |May 31,2018
facebook
share this

Kris pinatunayang naka-move on na kay James

Ervin Santiago - May 31, 2018 - 12:10 AM

WALANG malisya at masamang intensyon ang Social Media Queen na si Kris Aquino sa ginawa niyang pagpapakilala sa bagong “James” sa kanyang buhay.

Sa isang Instagram post kasi ni Kris ay ibinandera niya sa madlang pipol ang bagong katrabaho niya at tinawag pa niyang “the new James in my life.” Dahil dito, may mga nagsabing pinariringgan na naman niya ang kanyang ex-husband na si James Yap na isang patunay na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakaka-move on sa kanilang paghihiwalay.

Sagot naman ni Kris sa mga bashers, “If you can’t laugh at how life can surprise you-then you’re not really living.”

Isang netizen naman ang nagkomento ng, “You always have to throw shade, don’t you? Move on na, girl!” Tugon naman ni Tetay sa kanya, “Kaya nga po nakangiti & kayang magbiro. i can laugh at life’s coincidences & count my blessings – that’s why i’m living & really winning.”

In-edit na ni Kris ang caption sa kanyang IG post, kasabay ng pagtatanong kung bakit binibigyan pa rin ng malisya ang pagbanggit niya sa pangalang “James.”

“Kaya po JOKE lang din ang caption ko… as i was reading realized yung mga trip bumasag ng trip ng iba makakahanap ng ‘something’ kung puriin ko si Lebron JAMES, JAMES CORDEN, JAMES REID, or gamitin kong background music si JAMES Ingram, JAMES Taylor, or JAMES Blunt… not to mention my super favorite author JAMES Patterson.

“Pati na rin kung mag quote ako ng Biblical verse na James 1:17 Every good & perfect gift is from above, coming down from the Father of the heavenly lights, who does not change like shifting shadows,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending