Kathryn wala pang balak pakasal kay Daniel: Ang bata-bata pa namin! | Bandera

Kathryn wala pang balak pakasal kay Daniel: Ang bata-bata pa namin!

Ervin Santiago |May 31,2018
facebook
share this

Kathryn wala pang balak pakasal kay Daniel: Ang bata-bata pa namin!

Ervin Santiago - May 31, 2018 - 12:05 AM

BUKAS naman ang isip ng Queen of Hearts na si Kathryn Bernardo tungkol sa usapin ng kasal. Pero aniya, may tamang panahon pa rin para rito.

Hiningan ng reaksyon si Kathryn sa naging “sagutan” ng mag-inang Daniel Padilla at Karla Estrada tungkol sa tamang edad ng pag-aasawa.

“Nagulat ako, tinapos ko ang TV Patrol para mapanood yun. Katuwa si Tita Karla, saka hindi pa naman talaga namin yun plan. Ang bata-bata pa namin,” ang pahayag ng girlfriend ni DJ.

Sa interview namin kay Queen Mother sa shooting ng bago niyang pelikula na “Familia BlandIna”, sinabi nitong mas gusto niya kung mga 35 o 40 years old na magpapakasal si Daniel para siguradong mature na sa lahat ng aspeto ng buhay.

Pero kinontra naman ito ng binata dahil, “Ayoko din naman ng masyadong late (mag-asawa).”
Inamin naman ni Kathryn na hindi naman maiiwasan na mapag-usapan ang tungkol sa pag-aasawa,

“Kasi pag si Mama nag-uusap din naman kami about that and of course, dapat maging open ka sa ganyang idea pero sa tamang time.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending