Angelica inimbita sa event ng mga magpapakasal: Masakit...inaano ko po kayo? | Bandera

Angelica inimbita sa event ng mga magpapakasal: Masakit…inaano ko po kayo?

|May 30,2018
facebook
share this

Angelica inimbita sa event ng mga magpapakasal: Masakit…inaano ko po kayo?

- May 30, 2018 - 12:05 AM

“INAANO ko po kayo?” Yan ang nakakalokang sagot ni Angelica Panganiban nang makatanggap ng imbitasyon para sa isang bridal registry event.

Ginawa na lang katatawanan ni Angelica sa kanyang Instagram Stories ang pagpapadala sa kanya ng invitation para dumalo sa isang event para sa mga taong balak nang magpakasal.

May nakasulat pa raw sa imbitasyon na ine-encourage ang lahat ng dadalong couples na subukan ding makapunta sa seminar kung paano bumili o mag-purchase ng bahay para sa magpapakasal na magdyowa.

Ipinost ni Angelica ang natanggap na invitation na may caption na: “INAANO KO PO KAYO?” Nilagyan din niya ito ng emoji at ng salitang “MASAKIT”.

Bukod dito, ipinost din ng Kapamilya actress ang screenshot ng usapan nila ng isang kaibigan tungkol sa pakikipagrelasyon. Dito sinabi ni Angelica na naging expert na siya sa pagmu-move on dahil sa pinagdaanang failed relationships.

Sey naman ng friend ni Angelica, “So pakuha ko na din award mo for Move on Queen of the year?” Na sinagot naman mg aktres ng, “Nemen.”

Kamakailan, nag-emote si Angelica sa kanyang followers nang mag-post ng isang litrato ng lake na aniya’y naging saksi sa balde-baldeng luha na iniyak niya dahil sa isang lalaki. Ang paniwala ng mga netizens, si John Lloyd Cruz ang tinutukoy ng dalaga sa kanyang hugot.

Aniya sa caption: “Oo dito.gusto ko dito. Dahil dito, naaalala ko, kung gaano na kadami Lahat ng luhang iniyak ko.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending