Ate Guy 65 na, nasorpresa sa pa-birthday ng GMA staff: Sana magkikita-kita pa rin tayo! | Bandera

Ate Guy 65 na, nasorpresa sa pa-birthday ng GMA staff: Sana magkikita-kita pa rin tayo!

Jun Nardo |May 29,2018
facebook
share this

Ate Guy 65 na, nasorpresa sa pa-birthday ng GMA staff: Sana magkikita-kita pa rin tayo!

Jun Nardo - May 29, 2018 - 12:25 AM

NORA AUNOR

HINDI sanay si Nora Aunor na sinosorpresa ng mga kaibigan tuwing dumarating ang birthday niya.

But this time, sa kanyang 65th birthday, hindi na naiwasan ng superstar ang masorpresa ng co-stars niya sa bagong GMA drama series na Onanay.

Sa video na aming napanoood, bago pumasok si Ate Guy sa holding tent niya sa taping, kinantahan na siya ng “Happy Birthday” ng production staff. Atubili nu’ng una ang Superstar na pumasok sa tent pero nalambing din siya at sa loob bumulaga ang mga bumati sa kanya.

“Sana magkita-kita pa rin tayo at maging magkakaibigan pa rin at more shows pa rin sa Channel 7 na maganda, lalo na ngayon na malapit sila sa akin. Talagang ang puso ko talaga nandito!” pahayag ni Nora.

q q q

May aabangang bagong kanta mula sa sensational rap group na Ex-Battalion after ng successful nilang kanta na “Hayaan Mo Sila.”

But wait, hindi solo ng grupo ang pagkanta ng ni-record nilang bagong song, huh! Pero secret muna kung sino ang naka-collaborate nila this time.

After a couple of days, lulutang na ang latest single ng Ex-B at kung sino ang ka-jamming nila sa kantang ‘yon!

Basta, sikat ang bagong kasama ng Ex-B at tapos na ang recording nila kaya wait na lang kayo kung kailan nila ito iparirinig sa buong universe.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending