Jake Zyrus na-shock sa ginawa ni KZ Tandingan | Bandera

Jake Zyrus na-shock sa ginawa ni KZ Tandingan

Cristy Fermin |May 29,2018
facebook
share this

Jake Zyrus na-shock sa ginawa ni KZ Tandingan

Cristy Fermin - May 29, 2018 - 12:20 AM


KITANG-KITA sa mukha ni Jake Zyrus ang pagkasorpresa nang biglang pumagitna sa entablado ng kanyang concert si KZ Tandingan. “Ikaw, ha? Sabi mo…,” sabi ni Jake sabay turo sa magaling na singer, na tawa naman nang tawa.

Malalim pala ang kanilang pagkakaibigan. Ayon kay KZ ay isa si Jake sa iilang naniwala sa kanya nu’ng mga panahong kalahok pa lang siya sa isang reality show.

“Si Charice Pempengco ka pa nu’n, tama ba ako? Basta, isa po si Jake sa mga taong naniwala sa akin nu’n, kaya ako nandito. Surprise!” sabi pa ni KZ na nang yakapin si Jake Zyrus ay parang wala nang bukas pa.

Nakakatuwa si KZ Tandingan, kapag nagsasalita siya ay napakakapal ng kanyang Visayan accent, pero kapag kumakanta na siya ay wala kahit ang anino lang ng pagiging Bisaya niya.

Mapuso siyang kumanta, ramdam na ramdam mo ang emosyon habang kumakanta siya nang kahit nakaupo lang, kaya naman kahit ang idolo niyang banyagang singer na si Jessie J ay napahanga niya.

Mas pinakinang lang ng sinalihan niyang laban sa China ang kanyang pangalan at talento, pero kahit nu’n pa ay pinaliligaya na ni KZ ang kanyang manonood, ilang beses na namin siyang napapanood sa Zirkoh at habang kumakanta siya ay palakpakan ng mga nandu’n ang sumasabay sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending