Dyowa labas-masok sa kulungan ng isang opisyal

By Bella Cariaso May 27,2018
share this

Dyowa labas-masok sa kulungan ng isang opisyal

By Bella Cariaso May 27,2018
share this

DA who ang isang opisyal na bagamat nakakulong ay happy pa rin ang sex life dahil pinapayagang makapuslit ang kanyang dyowa kahit pa bantay sarado ang kanyang kulungan?

Usap-usapan ngayon na bagamat medyo matagal-tagal nang nakakulong si government exec dahil sa mga kasong isinampa sa kanya, hindi pa rin naman tuluyang zero ang kanyang lovelife.

Bukod kasi sa pinapayagang siyang dalawin sa loob ng kulungan, balitang nakakapuslit ang kanyang lover.

Kung tutuusin hindi naman talaga basta-basta nakakapasok sa pasilidad kung saan siya nakakulong.

Kailangan pa talaga ng request para payagang makadalaw ang nais na dumalaw sa kanya.

Dahil siguro, kilalang malapit sa kanya, kayat pinapayagang makapasok sa loob kahit anong oras.

Maraming iniuugnay na pangalan sa opisyal at kahit pa nga nakakulong na, napanatili pa rin niya ang kanyang relasyon sa kanyang dyowa.

Kilala ang opisyal na ibang klase kung magmahal kayat bagamat may mga nagtatanong kung pinagsabay-sabay ba niya ang kanyang mga dyowa, hindi naman lahat ay nag-abandona sa kanya.

Gusto nyo ba ng clue? Kilalang matapang at palaban pa rin si government exec sa kabila naman na nakakulong na ito.

Isa pang clue? Hindi rin naman single ang opisyal kayat maraming nagtaas ng kilay sa pagiging maasim nito.

Kung nahuhulaan nyo na kung sino ang tinutukoy ko, hulaan nyo na lang kung sino sa mga sinasabing naging dyowa niya ang pumupuslit sa kulungan.

Si A ba? o si B? o si C? Pero si A imposible na kaya si B at si C na lang ang pagpipilian nyo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending