Jameson may 'magnet' sa mga babae at beki; pasadong 'next John Lloyd' | Bandera

Jameson may ‘magnet’ sa mga babae at beki; pasadong ‘next John Lloyd’

Ambet Nabus |May 27,2018
facebook
share this

Jameson may ‘magnet’ sa mga babae at beki; pasadong ‘next John Lloyd’

Ambet Nabus - May 27, 2018 - 12:15 AM


NADAGDAGAN na naman ang listahan ng mga guwapong aktor sa showbiz na may lalim umarte at may sariling tatak ang akting. Ang tinutukoy namin ay walang iba kundi si Jameson Blake.

Nanalo na ng award si Jameson at hindi tsamba o suwerte lang ang kanyang winning moment dahil sa mga sumunod pa niyang mga projects ay lutang talaga ang angkin niyang galing sa pag-arte.

At sa bago nga nitong movie na “So Connected” with Janella Salvador under Regal Films, hindi lang ang malakas na kemistri nilang dalawa ang napansin ng manonood kundi pati ang very natural acting na ibinigay niya sa kanyang role.

Bukod pa sa mahal na mahal ng kamera ang aktor dahil wala yata siyang pangit na anggulo, kahit pa natutulog o nakahiga. Ha-hahahaha!

Certified fan na rin kami ni Jameson kung paano rin kaming nahuhusayan sa mga gaya nina Joshua Garcia at Jerome Ponce, pati na rin kina Daniel Padilla at Enrique Gil.

Mas lamang nga lang siguro si Jameson dahil napaka-natural din ng kanyang pagpapakilig at meron din siyang “something” na masarap titigan – very magnetic!

Actually, may deal na kami ni papa Jobert Sucaldito na hati kami sa batang aktor – whether he likes it or not. In fact, during its premiere night, kapwa kami naka-pink na long sleeves ni Jameson. Ang feeling namin, kami ang so connected. Ha-hahaha!

Pero pramis, masarap ulit panoorin ang “So Connected” na pinag-uusapan na ngayon sa social media at pinipilahan pa rin sa takilya.

Kaya naman walang rason para magmalaki o magyabang si John Lloyd Cruz dahil kung appeal, husay sa pag-arte at bonggang following din lang ang usapan, marami talaga ang pwedeng pumalit sa kanya.

Given more breaks and projects, kahit sino sa mga nabanggit naming promising young actor ay kayang tapatan o higitan ang anumang accomplishments ni John Lloyd na wala na ngang interes bumalik sa showbiz.

So, kung hindi na nga bumalik si JLC sa showbiz, mukhang hindi na siya masyadong kawalan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending