Bashers kay Aljur: Pakasalan mo si Kylie, mahiya ka naman! | Bandera

Bashers kay Aljur: Pakasalan mo si Kylie, mahiya ka naman!

Alex Brosas |May 27,2018
facebook
share this

Bashers kay Aljur: Pakasalan mo si Kylie, mahiya ka naman!

Alex Brosas - May 27, 2018 - 12:10 AM


WHEN Aljur Abrenica posted a photo of him while in a gym, hindi nagustuhan ng netizens ang kanyang message na, “Para sa mga tatay na nagpapaganda ng katawan para sa asawa.”

May isang nambasag ng kanyang trip at sinabihan siyang, “Kasal muna. Mukang kawawa yung girlfriend mo na wife duties na pero hindi mo man lang pakasalan kahit civil rights. Masakit para sa babae kahit hindi niya sabihin yun, mas malaking insulto sa magulang na nag palaki ng maayos sa anak nila.

“Yun ang importante Aljur hindi yung puro physical. Honor the mother of your child, and the family that raised her. Shame on you and your vanity.”

In fairness, ang daming nagtanggol kay Aljur, ha.

“Ang harsh nyo naman. wala tau pakialam sa kanila pareho na clang nasa tamang edad, at choice nila yan wala tau pake kong yan ang gusto nila. kung c kylie nga chill lng eh kau pa ba?”

“Pinipilit nyo pakasalan ni Aljur si Kylie sila nga di nagmamadali pero masaya naman nagsasama. kesa naman sa lahat na mga kasal nga magugulo naman ang buhay puro sa paghihiwalay din napupunta.

Pinagmamalaki ng iba na kasal sila pero puro gulo nmn sa buhay nangyayari.

“Walang mapakain sa mga anak at napapariwara mga anak…may kabit pare pareho mga siansabing kasal. ano ba maipagmamalaki dun? mas ok pa di kasal pero nagsasama ng masaya at nag susumikap para mabuhay.”

“KASAL??? It’s just a paper. Wala ding patunay na kayo na talaga sa isat isa. LIVE-IN man at may anak ang importante masaya kayong nagsasama. Im not a fan of A@K pero baket di na lang sila hayaan dba? Tutal masaya at kuntento nman sila sa buhay na meron sila ngaun.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending