'Hindi dapat magdusa ang mga anak ni Sunshine nang dahil kay Cesar!' | Bandera

‘Hindi dapat magdusa ang mga anak ni Sunshine nang dahil kay Cesar!’

Cristy Fermin |May 27,2018
facebook
share this

‘Hindi dapat magdusa ang mga anak ni Sunshine nang dahil kay Cesar!’

Cristy Fermin - May 27, 2018 - 12:05 AM

SUNSHINE CRUZ AT CESAR MONTANO

TAMA lang namang hindi idamay ang mga anak nina Cesar Montano at Sunshine Cruz sa indultong inabot ng action star sa mga kontrobersiyal na isyung kinasasangkutan nito sa DOT.

Maiintindihan din ang emosyon ni Sunshine dahil nagsikap siyang itaguyod nang maayos ang kanilang mga anak, hindi siya namalimos kay Cesar, nagpursige ang aktres na magtrabaho para sa mga pangangailangan ng mga bata.

Limang taon na ang nakararaan mula nang maghiwalay sila, meron nang karelasyon ang aktres, tahimik na ang buhay nilang mag-iina.

Ang kasalanan ni Cesar, gaano man katindi, ay ito lang ang dapat magdusa. Walang kinalaman ang mga anak nila ni Sunshine sa kontrobersiya. Hindi naambunan ng kayamanan ang mga bata kung totoo mang may malaking halagang nagalaw ang aktor mula sa pondo ng DOT.

Madiin ang pagkakasabi ng aktres na pati ang van ng kanyang anak ay siya ang bumili. Kumalat nu’n ang kuwento na nang mangailangan ng sasakyan ang kanilang mga anak na gagamitin sa pagpasok sa eskuwelahan ay isang luma at pupugak-pugak ang makinang van ang ipinadala ni Cesar.

Awang-awa si Sunshine sa kanyang mga anak, paano nga naman kung nagloko ang makina nu’n, baka abutan pa ang mga bata sa lugar na delikado?

Walang-walang pananagutan si Sunshine at ang mga anak nila ni Cesar sa kontrobersiya. Kung sino lang ang sangkot, kung sino lang ang pinagdududahan, ‘yun lang ang dapat magdusa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending