Sharon may gustong ipamukha kay Gabby; 40 years nang namamayagpag sa showbiz | Bandera

Sharon may gustong ipamukha kay Gabby; 40 years nang namamayagpag sa showbiz

Julie Bonifacio |May 26,2018
facebook
share this

Sharon may gustong ipamukha kay Gabby; 40 years nang namamayagpag sa showbiz

Julie Bonifacio - May 26, 2018 - 12:45 AM

GABBY CONCEPCION AT SHARON CUNETA

IPINOST ni Megastar Sharon Cuneta ang kanyang larawan during her meeting with Star Cinema executives para sa bagong pelikula na gagawin niya.

Walang ibinigay na ibang detalye si Mega para sa bago niyang movie except sa mga katagang “being presenting my brand new movie.”

Meaning, ibang pelikula na ang gagawin niya sa Star Cinema and forgotten na ang reunion project nila ng kanyang ex-hubby na si Gabby Concepcion.

Tuluyan nang sumuko si Sharon sa paghihintay at pakikipag-deal sa mga demands ng tatay ng panganay niyang anak na si KC Concepcion. Bukod diyan, may malaking konsyerto rin si Mega sa Araneta Coliseum para sa kanyang 40th year sa showbiz this coming September.

Moving forward na talaga si Mega from Gabo at nais ipamukha sa aktor na super active pa rin ang kanyang showbiz career kahit ‘di matuloy ang pelikula nila.

Speaking of Sharon, GF pala ng dati niyang manliligaw noon na si Charlie Cojuangco si Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

Matatandaang naging maingay ang pangalan ni Charlie sa showbiz dahil sa balitang panliligaw nito kay Mega. At mas lalo pang naikabit ang pangalan niya sa showbiz dahil sa yumao niyang misis at TV host na si Rio Diaz.

Two years nang magkarelasyon si Sec. Berna na isang byuda at byudong si Charlie. Inamin ng Kalihim ang relasyon nila ni Charlie during her interview sa show ni Winnie Monsod na Bawal Ang Pasaway at bunsod na rin nang nababalitang relasyon daw niya kay President Rodrigo Duterte.

Pag-amin pa ni Sec. Berna sa show ni Mareng Winnie, ang kanyang ina at asawa ni dating Sen. Albert Romulo ang niligawan noon ng Pangulo. Dito rin namin nalaman na nanligaw din pala ang dating Pangulong Noynoy Aquino sa elder sister niya na si Mons Romulo.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending