Kathryn tuloy ang pagbibigay ng trabaho sa kabataang Pinoy | Bandera

Kathryn tuloy ang pagbibigay ng trabaho sa kabataang Pinoy

Cristy Fermin |May 26,2018
facebook
share this

Kathryn tuloy ang pagbibigay ng trabaho sa kabataang Pinoy

Cristy Fermin - May 26, 2018 - 12:40 AM

 

KATHRYN BERNARDO

Ngayong Sabado na gaganapin ang inagurasyon ng pinakabagong branch ng KathNails ng pamilya ng magaling na young actress na si Kathryn Bernardo sa Robinson’s Place-Manila.

Ito rin ang unang-taong anibersaryo ng pinakauna nilang sangay sa SM North, kaya dobleng selebrasyon ang magaganap na inaasahang dadaluhan din ng ka-loveteam sa harap at likod ng mga camera ni Kathryn, si Daniel Padilla.

Napakabilis ng tagumpay ng KathNails, ibang-iba ang negosyong personal na pinamamahalaan ng mismong may-ari, si Mommy Min ang palaging nag-iikot-namamahala sa unang dalawang sangay ng kanilang negosyo sa SM North at sa Ayala Malls sa Balintawak.

Pagkatapos ng kanilang branch na bubuksan na ngayong araw na ito sa Robinson’s Place-Manila ay isusunod na agad ng pamilya ang paghahanda para sa kanilang branches sa SM Megamall, SM South Mall at SM Faiview.

Hindi lang basta pagnenegosyo ang layunin ng pamilya ni Kathryn nang itayo nila ang KathNails, isang paraan din ito para makatulong sila sa mga tagasuporta ng young actress na nangangailangan ng trabaho, libre ang mga seminar na dinadala pa nila sa iba’t ibang probinsiya.

May kakambal na puso ang business ng pamilya ni Kathryn Bernardo, kaya naman padagdag nang padagdag ang kanilang mga sangay, matindi ang suportang ibinibigay ng ating mga kababayan sa KathNails tagahanga man sila o hindi ng magandang young actress.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending