Payo ni Regine kina Benjamin at Julie Anne: Bata pa kayo, kaya enjoy lang! | Bandera

Payo ni Regine kina Benjamin at Julie Anne: Bata pa kayo, kaya enjoy lang!

Ervin Santiago |May 26,2018
facebook
share this

Payo ni Regine kina Benjamin at Julie Anne: Bata pa kayo, kaya enjoy lang!

Ervin Santiago - May 26, 2018 - 12:20 AM

BENJAMIN ALVES AT JULIE ANNE SAN JOSE

PINAPAYUHAN pala ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez ang kanyang anak-anakan na si Julie Anne San Jose tungkol sa lovelife.

Ayon sa Asia’s Pop Sweetheart, parang tunay na ate na raw ang turing niya sa Asia’s Songbird at lahat ng mga payo nito sa kanya ay talagang pinakikinggan niya, kabilang na nga riyan ang love advice. Alam naman ng lahat na exclusively dating ang singer-actress at ang Kapuso hunk na si Benjamin Alves.

Sa nakaraang birthday-thanksgiving presscon ng GMA Artist Center para sa dalaga, natanong siya kung ano ang hindi niya malilimutang advice ni Regine sa kanya pagdating sa pakikipagrelasyon.

“She always tells me, ‘Bata ka pa. Mag-enjoy muna kayo. Basta chill lang muna kayo kasi madami pa kayong pagsubok or marami pa kayong gagawin individually and together.’ So, enjoy lang po muna talaga.”

Priority pa rin nila ni Benjamin ang kanilang career, “We’re both busy, like, concert ko, tapos may soap ako ngayon, itong My Guitar Princess siya naman may ginagawa ring series kasama si Miss Sunshine Cruz and Bea (Binene). And then may bagong album din ako,” pahayag pa ni Julie Anne.

Dugtong pa niya, “Pero kahit parang wala na kaming time, important po talaga kasi constant communication talaga. Usap lang. Every now and then, kamustahan, update.”

Naghahanda na rin ngayon ang Kapuso singer-actress para sa next leg ng “3 Stars, 1 Heart” concert nila nina Rergine at Christian Bautista. Magaganap ito sa June 16 sa Dubai.

Samantala, speaking of My Guitar Princess, natanong din si Julie Anne sa presscon kung paano nga ba pipili ang karakter niyang si Celina kung dalawang guwapong lalaki ang nag-aagawan sa kanya sa kuwento tulad nina Kiko Estrada at Gil Cuerva?

Gumaganap na Elton si Gil sa serye na childhood friend ni Celina, samantalang si Kiko naman ay si Justin na tumutulong sa dalaga na matupad ang pangarap niyang maging online singer sensation.

Ito ang chika ni Julie Anne, “Hindi ko po alam, e! Ha-hahaha. Magkaiba po kasi si Elton, si Gil, si Justine, si Kiko. So, magkaiba po silang dalawa, bale si Kiko medyo seryoso kasi. Actually parehas silang seryoso, pero magkaiba sila, kumbaga ‘yung relationship ng character, ‘yung relationship ni Celina kay Elton parang wow child hood friends kami, like magkababata kami. So, parang iniisip mo wow siya na kaya?”

Pero pambubuking ng Asia’s Pop Sweetheart sa kanyang mga leading man sa serye, “Mas makulit si Kiko. Iba ‘yung kulit ni Kiko, iba ‘yung kulit ni Gil. Si Kiko mas madaldal, I guess. Actually, lahat naman kami madaldal, pero si Gil kasi minsan medyo tahimik pa siya sa una, medyo chill kasi siyang tao. May sarili siyang humor, ‘yung akala mo seryoso siya pero joke na pala ganu’n.”

Napapanood ang My Guitar Princess tuwing umaga sa GMA bago mag-Eat Bulaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending