‘Dance number’ ni Matteo sa Bagani trending

By Ervin Santiago May 26,2018
share this

‘Dance number’ ni Matteo sa Bagani trending

By Ervin Santiago May 26,2018
share this

 

MATTEO GUIDICELLI

WINNER ang trending dance number ni Matteo Guidicelli sa isang episode ng Primetime Bida series na Bagani kamakailan.

Nakasama pa ito sa mga top trending topic sa social media kaya naman tuwang-tuwa ang boyfriend ni Sarah Geronimo pati na ang buong production ng serye.

Sa nasabing episode, mapapatay na sana ang karakter ni Matteo na si Lakam ng kontrabidang si Sarimaw (Ryan Eigenmann). Nagawang iligtas ni Lakam ang kanyang sarili matapos gayahin ang dance ritual ng Babaylan na si Gloria (Dimples Romana).

At tulad nga ng pagsasayaw ni Dimples sa Bagani, pinag-usapan din nang bonggang-bongga ang dance sequence ni Matteo sa social media. Kahit nga ang aktor ay hindi makapaniwala na napaligaya niya ang mga manonood nang gabing ‘yun.

Tweet nga ni Matteo matapos ipalabas ang nasabing episode, “ASAP dance prod? Pwede na ba?” Inamin ng binata na halos isang linggo niyang pinag-aralan ang nasabing dance moves.

Biro pa nga ni Matteo sa kanyang Twitter post, “I think Lakam’s dance needed more airtime. What you think?”

Narito ang ilan sa mga comments ng netizens sa “production number” ni Lakam sa Bagani.

“Showdown with the King of The Gil (Enrique Gil) please!! Wala na tapos na laban!”

“May pyutyur ka sa dancing ‘Dong. Patudlo pa more kay u know who!”

“Wheee! Dare, sige nga wd lakas Kidlat & Makisig, showdwn lng parang sina Ms Aiko Melendez lang the other day. Hehehehe! #BAGANIAngDaan!”

“Wahahah!!!! I’m sure ang dami ding tawa rito ni Madam @JustSarahG!”

“Galing nyo po kuya Mat! Napatawa mo po ako, kanina pa ako nakasimangot kasi may lagnat ako! Nung nakita na kita sa Bagani natawa talaga ako!”

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending