Western Visayas drug lord, kaanak patay sa operasyon sa Bacolod City | Bandera

Western Visayas drug lord, kaanak patay sa operasyon sa Bacolod City

|May 25,2018
facebook
share this

Western Visayas drug lord, kaanak patay sa operasyon sa Bacolod City

- May 25, 2018 - 03:05 PM

PATAY ang isang notoryus na lider ng isang grupo na sangkot sa droga at kanyang kamag-anak, samantalang sugatan ang apat na iba pa, kasama na ang isang pulis sa isinagawang operasyon sa Barangay Banago, Bacolod City, noong Huwebes ng hapon.

Kinilala ang mga napatay na sina
Ramy Poja, 36, pinuno ng Poja Drug Group, na may nakabinbing mga warrants of arrest at kanyang kamag-anak na si Roberto Lim, alyas “Bobby”, na isa ring High Value Target.

Nakatakas si Poja noong 2015, 2016, at Pebrero matapos hagisaj mga granada ang mga pulis.

Numero uno siya sa most wanted person ng Police Station 3, at tinagurian ng pulisya bilang isa sa mga drug lord sa Bacolod at Western Visayas.

Napatay sina Poja at Lim matapos makipgbarilaj sa mga miyembro ng City Drug Enforcement Unit, Station 3 at Special Weapons and Tactics Unit, Sitio Sibucao, Purok Rosas Pandan sa Barangay Banago, ayon kay Senior Supt. Francisco Ebreo, acting Bacolod city chief.

Nakumpiska rin ng mga pulis ang mga matataas na kalibre ng baril at P840,000 halaga ng shabu.

Sugatan naman ang isang miyembro ng gang na si Rusty Poja Constantino.

Ipinaalam naman ng Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital sa Station 3 na natamaan ng ligaw na bala sina Jhodan Cordova, 20, at kanyang nanay na sk Erlinda Cordova at dinala sa ospital para magamot.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending