Angelica: Huwag ako! Pumapatol ako pag pamilya ko nasa usapan! | Bandera

Angelica: Huwag ako! Pumapatol ako pag pamilya ko nasa usapan!

Ervin Santiago |May 25,2018
facebook
share this

Angelica: Huwag ako! Pumapatol ako pag pamilya ko nasa usapan!

Ervin Santiago - May 25, 2018 - 01:10 AM

ANGELICA PANGANIBAN AT JM DE GUZMAN

MAGKAAWAY ba si Angelica Panganiban at ang tatay ng kanyang kaibigan na si JM de Guzman? ‘Yan ang tanong ng madlang pipol matapos mag-post ng bagong “hugot” ang aktres sa social media.

Hindi nakaligtas sa kanyang mga followers ang latest Instagram post ng Kapamilya actress na may konek sa kanyang pamilya.

Isang mother-and-daughter IG card ang ibinahagi ni Angelica sa netizens na may mensaheng “Where you lead I will follow.”

Sa tabi ng card nakalagay naman ang, “Not my Family. Not my Mother. Not my Okja. Never cross that line with me. Wag ako. Pumapatol ako kapag pamilya ko nasa usapan.”

Walang tinukoy na pangalan si Angelica sa kanyang post ngunit ang paniwala ng kanyang mga followers, ang tatay ni JM na si Ronniel de Guzman ang kanyang pinatatamaan. Naging malapit sina Angelica at JM nang gawin nila ang pelikulang “That Thing Called Tadhana” noong 2014 at balitang may ginagawang bagong proyekto ang dalawa ngayon.

Ayon sa ilang netizens, ang hugot ni Angelica ay maaaring sagot sa ipinost ng ama ni JM sa IG, isa itong screenshot ng “Okja”. Ang Okja ay isang Korean action-adventure movie na napapanood sa Netflix na siyang ginamit ni Angelica sa kanyang post bilang term of endearment niya sa kanyang nanay.

Bukod dito, nag-post din ang tatay ng aktor ng isang litrato sa kanyang IG kung saan makikita si JM at Angelica kasama ang ilang kaibigan na nag-iinuman. Ito’y may caption na: “RECOVERING PO” gamit ang hashtag na #supportgroup #thelastsupper #trueprens #postpamore #twoyearsinrehab #maymali #ikawnaumiwas at #wrongcompany.

Ayon sa ilang fans ni Angelica, posibleng hindi pabor ang ama ni JM sa pakikipagkaibigan ng kanyang anak kay Angelica. Kung babasahing mabuti ang mga ginamit niyang hashtag ay mukhang bad trip nga ang magulang ng aktor sa tropa nito ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending