Julie Anne kilig na kilig sa b-day surprise ni Benjamin: Nag-effort! | Bandera

Julie Anne kilig na kilig sa b-day surprise ni Benjamin: Nag-effort!

Ervin Santiago |May 25,2018
facebook
share this

Julie Anne kilig na kilig sa b-day surprise ni Benjamin: Nag-effort!

Ervin Santiago - May 25, 2018 - 01:05 AM

JULIE ANNE SAN JOSE AT BENJAMIN ALVEZ

WALA nang mahihiling na materyal na bagay si Julie Anne San Jose sa kanyang buhay – isa lang daw talaga ang palagi niyang wini-wish kapag dumarating ang kanyang kaarawan.

Last May 17, nag-celebrate ng kanyang 24th birthday ang Asia’s Pop Sweetheart kasama ang kanyang pamilya at malalapit na kaibigan. Kahapon, humarap si Julie Anne sa ilang members ng entertainment media para ibandera ang mga bagong kaganapan sa kanyang buhay at career.

Unang tanong sa dalaga kung ano ang kanyang birthday wish, “Wala na po kasi akong mahihiling na material na bagay. Kumbaga if ever man mabigyan ako ng material things, parang bonus na po yun.

Importante lang po talaga yung health ko, health ng pamilya ko. Lahat maging okay. Love, peace and happiness. Yun lang po.”

Ibinalita rin ni Julie Anne na siya ang magiging huling print cover girl ng Cosmopolitan Magazine, where she bares all her thoughts about her new music, her inspirations and plans on her future. Bukod dito, patuloy na namamayagpag sa rating ang kanyang daytime drama series na na My Guitar Princess.

Mainit ang naging pagtanggap ng mga manonood sa kanyang bagong romcom-musical serye was also launched this month, sa katunayan, laging trending ang episode ng My Guitar Princess dahil na rin sa mga pakilig na eksena ni Julie Anne with her two leading man, Gil Cuerva and Kiko Estrada.

At siyempre, inaabangan na rin ng kanyang mga fans ang bago niyang single na “Tayong Dalawa”. Ito’y bahagi pa rin ng kanyang album with the same title under Universal Records. Nauna nang ni-release ni Julie Anne ang kanta niyang “Nothing Left” na patok na patok ngayon sa mga millennial.

Tungkol saan naman ang third single niya na “Tayong Dalawa”? “It’s about long distance relationships so sa lahat po ng mga may minamahal sa buhay na malayo sa atin, sana ay maka-relate po kayo kasi it’s special for me also. I wrote that song nasa piano and it was ballad.

“And I’m very, very excited kasi yung arrangement medyo art, may iba-ibang flavor. By June, I’m releasing two singles, itong ‘Yung isa yun nga yung ‘Tayong Dalawa’ and the other one is a collaboration naman,” aniya pa.

Ano pa ba ang goals niya sa buhay ngayong 24 na siya? “Ngayon po ang focus ko kasi sa work. Nagte-taping pa rin kami for My Guitar Princess. Actually, kagagaling ko lang po doon sa taping. Focus muna sa work. Pero sana makapag-travel ako, spend more time with my family, and spend more time also with my love ones.”

***

Tungkol naman sa kanyang lovelife, mukhang going strong naman ang relasyon ni Julie Anne sa Kapuso hunk actor na si Benjamin Alves. Sa katunayan, sobrang na-appreciate niya ang effort ng kanyang rumored boyfriend para isorpresa siya sa kanyang birthday during the taping of My Guitar Princess.

Kuwento ni Julie Anne, “Bumisita po siya sa taping, hindi ko talaga alam, sabi ko, ‘Oh sige matulog ka na kasi gabi na.’ Tapos bigla siyang pumasok eh, naka-on-stand by kami. ‘Yung team po ng I Heart Davao tsaka My Guitar Princess isa lang po. So, kinausap po yata ni Ben ‘yung program manager namin na si Ms. Patty na ‘yun nga po parang surprise ganito, ganyan.”

Sey pa ng dalaga, “Sino ba naman ang hindi kikiligin sa surprise na ‘yun. Just really grateful na madaming mga celebration, maraming surprises.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, patuloy na tutukan ang mga nakakakilig, nakaka-inspire at nakaka-good vibes na episode ng My Guitar Princess, weekday mornings bago mag-Eat Bulaga sa GMA 7 lang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending