Janella nakipag-ayos na sa ina para good karma | Bandera

Janella nakipag-ayos na sa ina para good karma

Jun Nardo |May 24,2018
facebook
share this

Janella nakipag-ayos na sa ina para good karma

Jun Nardo - May 24, 2018 - 12:05 AM


PINANGUNAHAN ni Maja Salvador ang mga artistang dumalo sa premiere night ng Regal movie nina Janella Salvador at Jameson Blake na “So Connected” last Tuesday sa Cinema 7 ng SM Megamall.

Tuwang-tuwa ang fans/audience na kinilig na sa movie ay nakita pa nila ang favorite young loveteams nila gaya nina Inigo Pascual at Maris Racal; at McCoy de Leon at Elisse Joson.

Sumuporta rin kay Jameson ang co-Hahstag members niyang sina Vito, Ryle, Maru at CK. Present din ang ilang Your Face Sounds Familiar Kids bilang suporta naman kay Krystall Brimmner na co-contestant nila sa nasabing talent show.

Ang ilan pang artista na nag-enjoy sa movie ay sina Cora Wadell, Dona Cariaga, Devon Seron, Sebastian Castro, Mitch Liggayu at iba pang bagong Regal Babies gaya ni John Vincent de Guzman.

Napuno ng sigawan at palakpakan ang sinehan dahil sa sumasabog na chemistry sa screen nina Janella at Jameson. Yes love story rin ito pero binigyan ng bagong timpla ng writer-director na si Jason Paul Laxamana.

Sa premiere, nagparating ng mensahe ng suporta kay Janella ang ka-loveteam na si Elmo Magalona.

Kahapon naman, nag-post ng mensahe sa kanyang Instagram ang mother ni Janella, si Jenine Desiderio na suportahan ang pelikula ng anak.

“So Connected now showing starring my daughter, Janella Salvador, and Jameson Blake. Friends, kindly watch & show your support! Thank you!” caption ni Jenine.

Ayon sa chika ng ilang kaibigan, nagkaayos na ang mag-inang Janella at Jenine. Nakakuha naman ng Grade B ang “So Connected” mula sa Cinema Evaluation Board.

q q q

Bakasyon grande ngayon sa Europe si Janine Gutierrez minus her suitor na si Rayver Cruz. Ang pagbabakasyon sa Europe ay isa sa mga nasa bucket list ng Kapuso actress kaya buong-ningning niyang ipinagmalaki ito sa kanyang Instagram.

First time ni Janine sa Europa kaya todo handa siya sa pupuntahang bansa. Tatapusin muna niya ang bakasyon bago harapin ang bagong series at pelikula sa Regal, ang “Elisse.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Siyempre pa, naglalantad din ng kanyang alindog si Janine sa Europe dahil pagdating sa pagsusuot ng seksing kasuotan ay wala rin siyang kiyeme, huh!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending