Young actress kinakawawa, sinisiraan ng sariling ina | Bandera

Young actress kinakawawa, sinisiraan ng sariling ina

Cristy Fermin |May 24,2018
facebook
share this

Young actress kinakawawa, sinisiraan ng sariling ina

Cristy Fermin - May 24, 2018 - 12:15 AM


MARAMING nagsasabi na lalong magagalit sa kanyang anak ang isang singer-actress dahil sa mga huling pangyayari sa buhay ng bagets. Matagal nang hindi nagkakasundo ang mag-inang ito.

Dahil walang masilip na dahilan ang malalapit sa young actress kung bakit ganu’n na lang ang galit ng kanyang ina sa kanya ay pumasok ang kuwento na ang galit nito sa kanyang ama ang dahilan ng lahat.

Kuwento ng isang source, “Bakit niya pinahihirapan ang anak niya? Kung anu-anong kuwento ang ikinakalat niya tungkol sa anak niya, siya pa mismo ang naninira sa bata, bakit?

“E, ang bait-bait ng anak niya, sa totoo lang! Very respectful ang anak niya sa mga senior stars, siya nga ang pinupuri ng mga beteranong artista dahil magalang ang bagets.

“Kung ang ibang youngstars, e, walang pagrespeto sa matatandang artista, iba ang ibinibigay na pagpupugay ni ____ (pangalan ng young actress) sa mga veteran stars.

“Tapos, sasabihin niyang bastos ang anak niya? Sino na ba ang binastos ng bagets, may nagsumbong na ba sa kanya? Never na magiging bastos ang girl dahil maganda ang self-discipline niya,” kuwento ng aming impormante.

Sa isang umpukan ay pinagpistahan ang kakaibang ugali ng ina ng bagets. Nakakaloka nga naman ang mga ginagawa nitong pagpapahirap sa kanyang anak.

“Nasa isang party sila. Magkasama silang mag-ina. Nu’n pa ito, hindi pa kilala ang anak niya. May nagtanong sa kanya kung sino ang bagets na nakaupo nang malapit lang sa kanya. Umingos pa ang nanay, parang ikinahihiya niya ang anak niya.

“Bigla niyang sinabi, ‘Anak siya ng tatay niya!’ Matindi ang galit niya sa father ng bagets, hindi maganda ang paghihiwalay nila, kaya ang bata ang nagsasakripisyo sa galit niya!

“Mabait ang girl, masunurin, marespeto at mahusay siyang makisama sa mga kapwa niya artista. Kabaligtaran ng ugali niya ang mataray niyang nanay na akala mo kung sino kung umasta!

“Naku, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, pabalikin n’yo na nga sa isang bansa sa Asia ang babaeng ‘yan!” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending