Kilalang aktres na mukhang alalay nag-iiba ang anyo pag naka-make-up | Bandera

Kilalang aktres na mukhang alalay nag-iiba ang anyo pag naka-make-up

Reggee Bonoan |May 24,2018
facebook
share this

Kilalang aktres na mukhang alalay nag-iiba ang anyo pag naka-make-up

Reggee Bonoan - May 24, 2018 - 12:15 AM


MASAYA talagang kakuwentuhan ang production staff and crew dahil marami kang makukuhang balita sa kanila tungkol sa mga artistang mahirap katrabaho, maraming arte at kung anu-ano pa.

Mas gusto nga raw nila katrabaho ang veteran actors dahil mas madaling kausap at hindi palaasa sa mga personal assistant o road manager kumpara sa mga millennial stars ngayon na lahat nakaasa sa mga road managers o alalay nila.

Hindi na bago sa pandinig namin ang mga ganitong hanash ng bata at medyo nasa late 30’s ng mga artista dahil talagang sinasabihan din sila ng kanilang managers na bawa’t galaw ay kailangang ipaalam sa kanila kaya minsan nagkakaproblema at nagtatagal sa set.

Kumpara sa veteran actors na kapag sinabing may ganitong eksena at ipapaliwanag lang bakit kailangang gawin ay sumusunod na. Hindi rin sila problema ng staff kung saan magbibihis dahil sa kanya-kanyang mga sasakyan sila nagpapalit ng damit at laging on time sa set.

Unlike sa mga kabataang artista ngayon na pati dressing room kung saan sila magbibihis ay pinapaproblema pa sa staff.

“Iba kasi ang training ng mga artista noong araw, kumpara ngayon. Masyado silang spoiled kaya konting hanash, isyu na,” sabi ng kausap naming taga-production.

Anyway, ang labis na tumatak sa amin ay ang tungkol sa sikat na aktres na sobrang ibang-iba kapag naayusan mo na dahil bigla itong nagbabagong-anyo.

“Nakakaloka si ____ (sikat na aktres) dahil kapag dumating ‘yan sa set, hindi mo akalaing artista, puwede mo ngang utusang magtimpla ng kape, o kaya pagbitbitin mo ng wardrope ng artista. Pero kapag nagbihis na at naka-make up na, mapapa-wow ka sa transformation.

“Ibang-iba talaga at ang layo sa tunay na itsura kapag walang make-up,” nanlalaki ang mga matang kuwento sa amin ng aming source.

Sabagay, kapag tinititigan namin ang sikat na aktres ay hindi nga siya maganda, nadadala lang ng make-up dahil pati kutis niya ay medyo maaligasgas.

Kaya kayong mga artista kung ayaw ninyong maging biktima ng blind item ng mga taga-production, e, mag-ayos naman kayo kapag darating sa set. Wag naman gawing habit ang “woke up like this” emote dahil hindi naman lahat ay binabagayan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Going back kay sikat na aktres, sinuwerte lang siya dahil mabenta siya sa advertisers dahil marami siyang produktong ineendorso ngayon. May dagdag pang tsika sa amin tungkol sa sikat na aktres, “Kung gaano siya kachaka pag walang make-up, medyo 50% din ang kachakahan ng ugali niya.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending