Carmina parang mga anak na ang turing kina Bianca at Kyline | Bandera

Carmina parang mga anak na ang turing kina Bianca at Kyline

|May 24,2018
facebook
share this

Carmina parang mga anak na ang turing kina Bianca at Kyline

- May 24, 2018 - 12:10 AM

KUNG sa telebisyon ay puno ng matitinding eksena sina Bianca Umali at Kyline Alcantara bilang sina Crisan at Crisel/Cheska sa GMA Primetime series na Kambal, Karibal, kabaligtaran naman ito ng nakikita ng kanilang fans sa kanilang social media accounts.

In fact, sa recent Instagram story ni Bianca, kitang-kita kung paano sila mag-bonding off cam kasama ang kanilang nanay-nanayan sa set na si Carmina Villaroel.

Napakakulit pala nilang tatlo kapag nagsama-sama, to the point na hagikgikan talaga sila matapos magkulitan.

Bagay na bagay silang maging mag-iina dahil bukod sa pare-parehong magaganda, matatalino pa at magagaling pang aktres. Sabi nga ni Carmina, pamilya na ang turingan nila sa set ng Kambal, Karibal at mas naging inspired pa sila ngayong magtrabaho dahil sa napakainit na pagsuporta ng publiko sa kanilang serye.

Napapanood pa rin ang Kambal, Karibal sa GMA Telebabad after ng The Cure.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending