Willie balak magpatayo ng mga bahay sa Payatas | Bandera

Willie balak magpatayo ng mga bahay sa Payatas

|May 24,2018
facebook
share this

Willie balak magpatayo ng mga bahay sa Payatas

- May 24, 2018 - 12:05 AM

SIGURADONG ikatutuwa ng mga kapuspalad nating kababayan ang binabalak ng TV host-comedian na si Willie Revillame na pagpapatayo ng mga pabahay.

Kamakailan, gamit ang kanyang helicopter, isinama ni Willie si Quezon City Rep. Winston “Winnie” Castelo patungo sa Payatas upang maghanap ng lupa para sa binabalak niyang pabahay sa mga mahihirap.

Sakop ng distrito ni Castelo ang Payatas kung saan balak ni Willie na isagawa ang pinaplanong housing project. Wala pang ibang detalye tungkol sa proyektong ito ng TV host pero siguradong kapag natuloy ito, maraming mahihirap na Pinoy ang makikinabang.

Matapos ikutin ang nasabing lugar, lumipad naman ang dalawa patungo sa Tagaytay kung saan ipinasyal ng Wowowin host si Castelo sa ipinagagawa nitong bahay doon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending