Awra Briguela kinailangang operahan agad | Bandera

Awra Briguela kinailangang operahan agad

Ervin Santiago |May 23,2018
facebook
share this

Awra Briguela kinailangang operahan agad

Ervin Santiago - May 23, 2018 - 07:11 PM


NA-CONFINE pala sa ospital si Awra Briguela matapos sumailalim sa operasyon kamakailan.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ang batang comedian ng ilang litrato na kuha sa ospital kung saan siya dinalaw ng kanyang mga kaibigang sina AC Bonifacio (sumali sa Your Face Sounds Familiar) at Riva Quenery, sikat na vlogger at dating member ng grupong GirlsTrend ng Showtime.

Ayon sa ulat, isinugod sa ospital si Awra last Sunday matapos makaramdam ng matinding sakit sa kanyang tiyan. Balitang ito ang dahilan kung bakit inoperahan ang bagets sa appendix.

Wala na rin daw dapat ipag-alala ang kanyang mga fans dahil maayos na ang kanyang kundisyon pero hindi pa raw pwedeng tumodo sa pagtatrabaho si Awra at kailangan pang magpahinga ng ilang araw.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending