Ang Probinsyano hanggang Setyembre pa; papalitan ng serye nina Maricel at Angel | Bandera

Ang Probinsyano hanggang Setyembre pa; papalitan ng serye nina Maricel at Angel

Cristy Fermin |May 23,2018
facebook
share this

Ang Probinsyano hanggang Setyembre pa; papalitan ng serye nina Maricel at Angel

Cristy Fermin - May 23, 2018 - 12:20 AM


AYON sa aming nakakuwentuhang source na may malaking alam na impormasyon tungkol sa matagumpay na seryeng Ang Probinsyano ay hindi pa magtatapos sa darating na Hulyo ang pinananabikang serye ni Coco Martin.

Magkakaroon pa ng ekstensiyon ang palabas, aabot pa ‘yun sa Setyembre, dahil sa sobrang taas ng rating ng serye at dahil hindi pa nakahanda ang ipapalit na programa.

Siguradong kinikilatis pang mabuti ng ABS-CBN kung anong show ang ipapalit sa Ang Probinsyano para makopo pa rin nila ang time slot na walang nakaagaw kahit kailan sa serye.

Balitang ang The General’s Daughter ang hahalili sa iiwanang oras ng action serye, magandang plano, dahil puro malalaking artista rin ang bibida sa papalit na pinangungunahan nina Maricel Soriano at Angel Locsin.

Hitik pa rin sa sorpresa ang serye ni Coco Martin, maraming nag-aabang kung kailan mamamatay si Alakdan (Jhong Hilario), kailan din daw kaya matatapos ang kasamaan ni John Arcilla at ng mag-amang Edu Manzano at Mark Anthony Fernandez?

Nakaabang din ang buong bayan kung kailan magkakabalikan sina Coco Martin at Yassi Pressman ngayong malapit nang maulol si JC Santos sa kuwento.

Hahaba pa ang kuwento ng Ang Probinsyano!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending