Janella nawala ang pagkasosyal, Jameson bagong 'romcom prince' | Bandera

Janella nawala ang pagkasosyal, Jameson bagong ‘romcom prince’

Ervin Santiago |May 23,2018
facebook
share this

Janella nawala ang pagkasosyal, Jameson bagong ‘romcom prince’

Ervin Santiago - May 23, 2018 - 12:01 AM


VERY millennial. Napapanahon. Pakilig at pampa-good vibes. Yan ang ilan sa mga aasahan sa bagong pelikula ng Regal Entertainment na “So Connected”.

Napanood na namin ang movie na pinagbibidahan nina Jameson Blake at Janella Salvador sa ginanap na special screening sa Gateway Platinum Cinema last Monday, at in fairness, na-enjoy at na-appreciate namin ang kuwento nito na very timely ang pagtalakay sa mga issue ng social media.

Pinatunayan ni Direk Jason Paul Laxamana ang kanyang sinabi during the presscon of the movie na hindi kailangang magka-loveteam ang kanyang mga bida para mabigyan ng hustisya ang mga karakter sa kuwento.

Ang lakas pala talaga ng dating ng tambalan nina Jameson at Janella on screen, kaya hindi nagkamali sina Mother Lily at Roselle Monteverde sa pagpili sa kanila para gumanap sa mga karakter nina Trisha at Karter na siguradong mamahalin n’yo rin after watching the movie.

Magaling talaga si Jameson na gumaganap bilang isang video editor sa isang web channel na na-in love kay Janella na serbidora naman sa isang panciteria.

Maganda ang twist sa pagkakilala nila na nagsimula sa isang app sa cellphone at sigurado kaming maraming makaka-relate na millennials dito.

Bukod dito, napatunayan din ng binata na may magic din siya sa pagpapakilig at ipinakita niya sa movie na pwedeng-pwede rin siyang maging romcom prince.

Sabi nga ng ilan pang nakapanood sa pelikula, dimples at smile pa lang ng Kapamilya actor ulam na. May kuryente rin ang bawat titig ng binata kay Janella kaya lutang na lutang at feel na feel mo ang mga pakilig nilang eksena.

Pero ang gusto naming palakpakan nang bonggang-bongga ay si Janella. Nagulat kami sa akting na ipinakita niya sa pelikula – ibang-iba talaga sa mga napanood natin sa past movies niya. “Hinubaran” talaga siya rito ni direk Jason, as in nabura ang pagkasosyal niya at lumabas ang kanyang pagiging masa.

Gustung-gusto namin ang natural at makatotohanan na akting ni Janella, lalo na sa eksena kung saan nalaman na niya ang “lihim” ni Jameson at nang iwan siya ng kanyang boyfriend para balikan ang ex-dyowa nito.

Bukod sa mga pakilig, may social relevance rin ang “So Connected” dahil tinalakay din dito ang tumitinding problema sa social media lalo na ang cyberbullying at video scandal.

At siyempre, bidang-bida rin dito ang stuffed toy na si Panty-Panty na may malaking partisipasyon din sa kuwento ng movie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Basta panoorin n’yo na lang ang “So Connected” na showing na ito ngayon nationwide mula sa Regal Films at sinisiguro ko sa inyo na hindi kayo malulugi sa ibabayad n’yo sa sinehan. Kasama rin dito sina Ruby Rodriguez, Hashtag Paulo Angeles, Chai Fonacier, Krystal Brimmer, Cherise Castro, VJ Mendoza at Rafael Sudayan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending