'Wag n'yo nang sakyan sa likod si John Lloyd para lumubog, masaya na siya!- Jobert Austria | Bandera

‘Wag n’yo nang sakyan sa likod si John Lloyd para lumubog, masaya na siya!- Jobert Austria

|May 23,2018
facebook
share this

‘Wag n’yo nang sakyan sa likod si John Lloyd para lumubog, masaya na siya!- Jobert Austria

- May 23, 2018 - 12:25 AM


KINUMPIRMA ng komedyanteng si Jobert Austria na hindi pa nanganganak si Ellen Adarna sa first baby nila ni John Lloyd Cruz.

Naging close si Jobert kina John Lloyd at Ellen noong kasama pa ang magdyowa sa Kapamilya sitcom na Home Sweetie Home. Sa panayam ng ABS-CBN, sinabi ng comedian na nakasama pa niya sina JLC at Ellen bago pumunta ang mga ito Palawan.

“Hindi pa siya nanganganak (Ellen). Hindi totoong nanganak na. Pinapangunahan lang ng mga tao. Pabayaan niyo na sila,” ang pakiusap pa ni Jobert sa madlang pipol.

Aniya pa, naniniwala siyang maligaya ngayon si JLC sa kanyang personal na buhay, “Mali yung mga sinasabi nila na hindi siya masaya. Masayang-masaya siya ngayon. Nakita ko siya, e. Sabi ko nga, mami-miss mo rin yan (showbiz). Sabi niya siguro pero sa ngayon hindi ko pa iniisip.”

Para naman sa mga nagsasabing walang utang na loob si John Lloyd sa showbiz na nagpayaman at nagpasikat sa kanya may mensahe rin si Jobert, “Kayo kung mahal niyo talaga si John Lloyd. Kasi ang dami naman niyang naibigay sa inyo nu’n e, pinasaya niya kayo.

“Ang dami rin niyang na-encourage dati. Ang tao normal lang na nagkakamali. Wag niyo na siyang sakyan sa likod para lumubog di ba?” sabi pa ng Kapamilya comedian na nakachikahan din namin sa shooting ng pelikulang “Familia BlandIna” kung saan gaganap siyang “asawa” ni Karla Estrada.

Malaki ang utang na loob ni Jobert kay John Lloyd dahil isa ang aktor sa mga tumulong sa kanya noong magkaproblema siya sa kanyang personal na buhay.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending