Karla sa bastos na bashers ni Daniel: Gusto kong abangan sa labas ng bahay nila...action star din ako! | Bandera

Karla sa bastos na bashers ni Daniel: Gusto kong abangan sa labas ng bahay nila…action star din ako!

Ervin Santiago |May 20,2018
facebook
share this

Karla sa bastos na bashers ni Daniel: Gusto kong abangan sa labas ng bahay nila…action star din ako!

Ervin Santiago - May 20, 2018 - 12:05 AM


PALABAN din si Queen Mother Karla Estrada sa mga bashers na walang ginawa kundi ang manlait at mambastos ng kanilang kapwa sa social media.

Kahapon, dumalaw kami sa shooting ng bagong comedy film ni Karla somewhere in Plaridel, Bulacan, ang “Familia BlandINA” at dito nga namin siya nakachikahan nang bonggang-bongga kasama ang ilan pang piling members ng entertainent media.

Isa sa mga naitanong namin ang tungkol sa kanyang mga bashers dahil kilala rin ang nanay ng King of Hearts na si Daniel Padilla sa pagiging matapang sa pagsagot sa mga netizens na patuloy na namba-bash sa kanya pati na rin kina DJ at Kathryn Bernardo.

“Alam n’yo hindi kasi talaga ako nakikipag-away dito (sabay turo sa cellphone) kasi gusto ko talaga hanapin yung bahay (ng mga bastos na bashers) tapos abangan sila sa labas ng bahay. Kilala mo naman ako di ba, noong araw pa gusto ko harapan tayo,” ang diretsong sagot ng TV host-singer-actress.

Sundot na tanong namin, ano ang pinakamatinding pangnenega na naapektuhan siya nang bonggang-bongga? “Actually, ‘yung mga bastos na talaga. Yung ginagawan mo na ng picture si Daniel na hawak yung…alam n’yo na, mga ganu’ng kababuyan. Yung nag-e-effort talaga na gumawa ng ganu’n tapos ipino-post.

“But nothing against sa mga kaibigan nating mga bakla ha, pero alam mo kinukutsa rin nila ang mga bading sa mga ginagawa nila. So, nakakabwisit hindi lang kay Daniel pati na rin sa mga kaibigan kong gay, kasi masakit din yun eh. Ginagawa nilang katatawanan. Bastusan na.

“Kaya pag ganu’n hinahanap ko talaga (netizen). Kadalasan naman naka-private eh. Itlog (profile) lang yung kaaway mo. Wala man lang picture. Eh, minsan may mga malalakas ang loob na talagang nagpapakita.

“Kapag ganu’n, nagpi-PM (private message) ako, ‘magkita na lang tayo o di kaya pumunta ka dito, ikaw pumunta dito sa bahay kung ayaw mong malaman ko ang bahay mo.’ Yung mga ganu’n. Action star din naman ang mother. Tapos biglang nagpa-private. Nagtatago agad sa saya ng nanay niya,” mahabang pahayag pa ni Karla.

Samantala, masayang ibinalita ni Karla na after ng success ng kanilang 2017 Metro Manila Film Festival entry na “The Revengers” with Vice Ganda, Daniel and Pia Wurtzbach, muli siyang nabigyan ng chance na magbida sa pelikula, ito ngang “Familia BlandINA”.

Tungkol ito sa isang ina na may mga anak na “blonde” at haharap sa iba’t ibang hamon ng buhay. Makakasama ni Karla sa movie ang Kapamilya comedian na si Jobert Austria, Marco Gallo, Xia Vigor, Marissa Delgado, Buboy Garovillo at marami pang iba, sa direksyon ni Jerry Lopez Sineneng.

Kuwento ni Karla, nakakatawa raw ang kabuuan ng pelikula pero siguradong kukurot sa puso ng bawat Pilipino ang madadramang tagpo lalo na sa mga nanay na handang isakripisyo lahat para sa kanilang mga anak.

Nagpapasalamat siya kay direk Jerry dahil first choice siya for the movie na agad namang inaprubahan ng Arctic Sky Productions na pag-aari ni Dennis Aguirre na isa namang ophthalmologist pero nasa puso talaga ang pagmamahal sa industriya ng pelikula.

Naikuwento rin ni Queen Mother na may special appearance din sina Daniel at Kathryn sa “Familia BlandINA” na siguradong ikatutuwa ng KathNiel fans. Showing na ito sa darating na June na saktung-sakto sa pasukan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Feeling namin, ito na ang magiging millennial version ng “Tanging Ina” ni Ai Ai delas Alas dahil sabi nga ni Karla kapag nagustuhan ng madlang pipol ang “Familia BlandINA” siguradong magkakaroon din ito ng mga sequel.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending