Jennylyn hot mama sa Balesin, certified sexiest Pinay  | Bandera

Jennylyn hot mama sa Balesin, certified sexiest Pinay 

|May 20,2018
facebook
share this

Jennylyn hot mama sa Balesin, certified sexiest Pinay 

- May 20, 2018 - 12:01 AM

BUKOD sa lead stars ng Kapuso series na The Cure na sina Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez, isa sa mga inaabangan ngayon sa action-suspense ay ang mga eksena ng award-winning actress na si Jaclyn Jose na gumaganap bilang si Dra. Lazaro.

Siya ang nag-imbento ng gamot na naging dahilan ng outbreak. Maraming viewers ng serye ang pumupuri sa kanya dahil talagang makatotohanan ang akting ni Jaclyn bilang isang doktor.

Tama nga raw ang sinabi ng aktres sa mga interview na ibang-ibang Jaclyn Jose ang mapapanood ng viewers sa The Cure.

Samantala, sa pagpapatuloy ng kuwento, ano na ang mangyayari ngayong tila kabilang na si Charity (Jennylyn) sa mga infected ng virus? Magtuluy-tuloy na kaya ang delubyo dahil sa outbreak?

Huwag palampasin ang gabi-gabing trending na kuwento ng The Cure sa GMA Telebabad. Kasama pa rin dito sina Ken Chan, LJ Reyes, Mark Herras, Jay Manalo at marami pang iba, sa direksyon ni Mark Reyes.

q q q

Speaking of Jennylyn Mercardo, dumagdag pa sa scorching heat ngayong summer ang litratong ipinost ng Ultimate Star na kuha sa Balesin Island kasama ang boyfriend na si Dennis Trillo.

Muli raw pinatunayan ni Jennylyn na kung paano ba dapat maging isang sexiest Pinay. In fact, hindi lang fans niya ang pumuri sa kanyang kaseksihan kundi pati ang mga kapwa niya artista na hangang-hanga sa kanyang natural beauty.

Ilan sa kanila ay sina Mikee Quintos, Nar Cabico at Yasmien Kurdi. As of this writing, may mahigit 200,000 likes na ito sa Instagram.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending