Lokohan, gamitan at taguan sa 'Sid & Aya' nina Anne at Dingdong | Bandera

Lokohan, gamitan at taguan sa ‘Sid & Aya’ nina Anne at Dingdong

Reggee Bonoan |May 19,2018
facebook
share this

Lokohan, gamitan at taguan sa ‘Sid & Aya’ nina Anne at Dingdong

Reggee Bonoan - May 19, 2018 - 12:05 AM


HABANG isinasagawa ang media conference ng pelikulang “Sid & Aya (Not A Love Story)” nina Dingdong Dantes at Anne Curtis kasama si Direk Irene Emma Villamor ay palaisipan sa amin at ng iba pang katoto kung ano ba talaga ang big twist sa mga karakter ng dalawang bida.

Base kasi sa trailer ay isang gago at isang manggagamit ang papel nina Dingdong at Anne. At dahil nadulas si Dingdong bilang si Sid na isa siyang anti-illegal drug agent na may ginawang sablay kaya malalagay sa alanganin ang kanyang buhay.

Si Anne naman ay nagtatrabaho sa Japan at dito nga niya makikilala ang karakter ni Dingdong.

Gagamitin niya ito para sa trabaho niya na baka sangkot din sa illegal na gawain? Geisha kaya rito si Aya?

Sa totoo lang intriguing ang kuwento ng “Sid & Aya,” kaya panonoorin namin ito, lalo’t si direk Irene ang nagdirek. Halos lahat ng pelikulang ginawa niya ay talagang pinanood namin kabilang na ang “Camp Sawi” at “Meet Me In St. Gallen”.

Mapapanood na ang “Sid & Aya” sa Mayo 30 mula sa Viva Films at N2 Productions.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending