Sharon inakusahang masamang ina: Bakit ang bitter n’yo? Enough! | Bandera

Sharon inakusahang masamang ina: Bakit ang bitter n’yo? Enough!

Ervin Santiago |May 18,2018
facebook
share this

Sharon inakusahang masamang ina: Bakit ang bitter n’yo? Enough!

Ervin Santiago - May 18, 2018 - 04:03 PM

SHARON CUNETA

Beast mode uli si Megastar Sharon Cuneta nang mabasa ang mga masasamang komento ng netizens laban sa kanya, lalo na ang paratang sa kanya na isa siyang “masamang ina”.

Nagsimula ang pambabastos kay Sharon nang mag-post siya ng throwback video ng kanyang concert, kung saan kasama niya ang anak na si KC Concepcion na batang-bata pa. Na-hurt si Mega sa kung-anong akusasyon sa kanya ng mga bashers, na aniya’y mula sa kampo ng isang taong tila matindi ang galit sa kanya.

Ang paniwala ng mga netizens, ang ex-husband niyang si Gabby Concepcion ang tinutukoy ni Sharon.

Narito ang sagot ng singer-actress sa hater na nagsabing “napakasama” niya.

“Eh napakasama ko pala eh sino ang tanga? 1.) Bakit ako pinakasalan? 2.) Bakit ilang taon na kaming hiwalay binabalikan pa ako? Huwag tanga. Kunin muna ang facts. Hindi yung nakikigawa pa ng kasinungalingan makasira lang ng kapwa,” aniya.

“Ayun – isang napakagandang dalaga na may degree mula sa Paris, intelehente at may class,” na ang tinutukoy nga ay si KC. Dugtong pa niya, “Sana lang magpasalamat man lang sa akin kasi di ko siya sinira at di ko binrainwash ang anak ko na i-hate siya o di siya respetuhin.”

“Ano ba ang galit niyo at NIYA sa akin? Wala akong ginawang masama sa kanya. Ako ang umalis pero my heart was torn into pieces kasi parang tinapon ang puso at kaluluwa ko. Tama na. Nandiyan na ang bago niyang pamilya. Nandito na rin ang akin. Masaya ako. Masaya siya di ba? Bakit ang bitter niyo? Enough is enough.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending