Dionisia Pacquiao sa pagpapakasal kay Michael Yamson: Ayoko siyang madaliin! | Bandera

Dionisia Pacquiao sa pagpapakasal kay Michael Yamson: Ayoko siyang madaliin!

Ervin Santiago |May 18,2018
facebook
share this

Dionisia Pacquiao sa pagpapakasal kay Michael Yamson: Ayoko siyang madaliin!

Ervin Santiago - May 18, 2018 - 01:10 AM

DIONISIA PACQUIAO AT MICHAEL YAMSON

TULOY na ba ang pagpapakasal ni Mommy Dionisia Pacquiao sa kanyang boyfriend na si Michael Yamson?

In fairness, ilang taon na rin ang relasyon ng nanay ni Sen. Manny Pacquiao sa karelasyon nito, na di hamak na mas bata kesa sa kanya. Nakontra talaga nila ang “sumpa” ng ilang taong nagsabi na hindi rin magtatagal ang kanilang relasyon.

Nitong nakaraang Martes, nag-celebrate si Mommy D ng kanyang 69th birthday at tulad ng inaasahan, bongga ang naging selebrasyon na ginanap sa Mt. Sabrina Resort sa General Santos City.

Bongga ang pink and gold outfit ni Mommy D na talagang kumikinang habang rumarampa siya sa venue. Siyempre, nagsilbing escort niya that night ang boyfriend na si Michael.

Present sa party ang mga anak ni Mommy D, minus the Pambansang Kamao dahil may prior commitment daw ito sa Senado. Pero bago pa mag-birthday ang ina ay naibigay na niya ang regalo niya rito – isang brand new van lang naman na pinabasbasan niya agad para magamit na nilang pamilya.

Naging highlight naman ng celebration ang paghataw ni Mommy D sa dance floor.

Sa isang panayam, natanong si Michael kung susunod na ba ang kasal nila ng kanyang girlfriend, “Plano pa lang po. Darating din siguro sa mga ganyang bagay,” tugon nito.

Hirit naman ni Mommy D, “‘Di ko siya mamadaliin. Sabi ko, kung mahal mo ako, sasama ka sa akin.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending