Aktor nahawa na ng kanegahan sa ka-loveteam na aktres

By Cristy Fermin May 17,2018
share this

Aktor nahawa na ng kanegahan sa ka-loveteam na aktres

By Cristy Fermin May 17,2018
share this


HARINAWANG huwag malunod sa isang basong tubig ang isang guwapong young actor. Kahit pa sinasabi ng kanyang mga katrabaho na malaki ang posibilidad na mauwi sa ganu’n ang bagets ay marami pa ring umaasa na hindi ‘yun mangyayari dahil nakapanghihinayang ang kanyang popularidad.

Sa dami nga naman ng mga kabataang gustong sumikat ay isa siya sa katangi-tangi dahil nabibigyan siya ng magagandang oportunidad kumpara sa kanyang mga kasamahan.

Hindi lahat ay nakakatanggap ng ganu’ng kagandang kapalaran, hanggang pangarap lang ang sa iba, pero kaganapan ang sa kanya.

Kuwento ng aming source, “Hindi pa naman siya ‘yung klaseng nagiging sakit na ng ulo ng production kaya pa namang agapan ang sa kanya, pero may mga nagsasabing papunta na ‘yun sa paglaki ng ulo.

“Hindi mahulaan ng iba kung ang mga nangyayari sa kanya ngayon, e, influence ng babaeng palagi niyang kasama. Baka raw nahawa na siya sa maldita niyang girlfriend, kaya siya nagkakaganyan.

“Dati raw kasi, e, sobrang ganda at maayos ang bagets, palaging nakangiti, nakikipagkuwentuhan sa mga co-actors niya, pero ngayon, e, ibang-iba na siya. Marami nang nakakapansin na parang nagpapaimportante na siya.

“Huwag naman sana dahil matagal niyang hinintay ang pagkakataong ito, salamat na lang sa galing niyang umarte, gumanda nang gumanda ang takbo ng career niya,” komento ng aming impormante.

Maraming malulungkot kapag nagkaroon ng problema ang kanyang mga katrabaho sa young actor, inako na kasi siyang parang anak ng publiko, maraming nagmamahal sa kanya nang malayuan.

“Huwag naman sana dahil sayang na sayang talaga siya, nakapanghihinayang ang popularity na meron siya ngayon. Hindi siya kaguwapuhan, pero ang pag-arte niya, e, natural na natural.

“Kapag nangyari ang kinatatakutan ng marami, e, maituturing pa ba natin siyang good son? Ano sa palagay n’yo, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday?” pagtatapos ng aming source na napapailing.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending