‘Nagpakumbaba na lang sana at humingi ng paumanhin sa bata si Ellen Adarna!’

By Cristy Fermin May 17,2018
share this

‘Nagpakumbaba na lang sana at humingi ng paumanhin sa bata si Ellen Adarna!’

By Cristy Fermin May 17,2018
share this


MAGIGING malaking abala para kay Ellen Adarna ang mga kasong isinampa laban sa kanya ng mga magulang ng kababayan nating menor de edad na ipinaglantaran niya ang
itsura sa social media.

Child abuse at cyber-libel ang mga asuntong kailangang sagutin ngayon ng sexy star sa Pasig Fiscal’s Office, malaking oras niya ang kakai-nin ng mga kaso, wala siyang lusot sa pagkakataong ito.

Dapat sana’y hindi mauuwi sa piskalya ang lahat kung nagpakumbaba lang si Ellen at tumupad sa

hinihinging public apology ng mga magulang ng dalagita.

Pero sa halip ay nag-post pa ang karelasyon ni John Lloyd Cruz ng pagpe-pedicure ng kanyang hinlalaki na binigyan ng iba-ibang interpretasyon ng mga nakakita.

Kung humingi man lang sana siya ng paumanhin sa pamilya, kung nagpakumbaba lang sana siya sa pagkakataong ito, wala sana siyang iintindihing kaso na kailangan niyang daluhan.

Lalo na ngayong kapribaduhan ng buhay at relasyon nila ni JLC ang kanilang hinahanap, mauuwi sa wala ang kanilang hiling, dahil kailangang dumalo sa hearing si Ellen Adarna.

Kung minsan talaga ay walang nagagawang positibo ang maling pride. Sana’y naisip din ni Ellen na hindi lang naman laway lang ang nilulunok kundi pati ang foolish pride.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending