Dream wedding ni Bea: Gusto ko sa Italy, sa garden o kaya sa lake!

By Julie Bonifacio May 17,2018
share this

Dream wedding ni Bea: Gusto ko sa Italy, sa garden o kaya sa lake!

By Julie Bonifacio May 17,2018
share this


NAG-BREAKDOWN ang nanay ni Bea Alonzo pagkatapos niyang sabihin na hindi possible sa kanya ang makaranas ng kasal gaya ng ibang babae.

Not because hindi siya naniniwala sa kasal kundi naiisip lang naman niya na maaaring hindi siya meant to get married.

“Tapos nasabi ko sa nanay ko and then, grabe. Oh, my God. Walkout siya. Nasa bahay kami noon. Galit talaga siya. She was so disappointed,” pahayag ni Bea during her interview sa Tonight With Boy Abunda.

But at the same time, pumapasok din daw sa isip niya ang idea about her dream wedding, “Definitely, destination wedding pa rin siya. I don’t know where but probably Italy or something romantic.

“Baka in a yard or in a garden, or by the lake, ganyan. Gusto ko malamig. Iniisip ko how many guests, ano susuutin ng nanay ko, ng bridesmaids ko, or sino ang kukunin kong maid of honor. ‘Yung mga ganoon,” kwento pa ni Bea.

Unang naka-experience ikasal si Bea sa isang teleserye when she was only 16 or 17. Ang kyut nang pagkakasabi niya after ma-realize na she got “married“ at a very young age. “So, ang aga ko palang ikinasal. Ang aga kong lumandi. Ha-hahaha!”

Tanong pa ni Kuya Boy kay Bea kung si Gerald na ba ‘yung lalaking pakakasalan niya, “No, I don’t know Tito Boy,” makahulugang tugon ni Bea.

Pero inamin niya na nag-uusap naman daw sila ni Gerald at marami pa silang inaayos.

Samantala, ibinuking naman ni Bea na si Paulo Avelino ang tipo ng leading man niya na nauuna pang mabulol bago sabihin ang kanyang linya kapag magkaeksena sila.

Magkasama sa latest Star Cinema movie titled “Kasal” sina Bea at Paulo with Derek Ramsay directed by Ruel S. Bayani na showing na ngayon.

Pero naintriga kami when she was asked by Kuya Boy kung sino sa mga naging leading men niya ang pinagselosan ng ex-boyfriend niya.

Counting her past boyfriends from Mico Palanca, next si Gerald for a short time, third si Zanjoe Marudo and then sila ulit ni Gerald, who could be the ex-boyfriend ni Bea na pinagselosan si Paulo?
Unang nagkasama sina Bea at Paulo sa teleseryeng Sana Bukas Pa Ang Kahapon noong 2014. That time si Zanjoe ang boyfriend ng aktres, huh!

Well, we can’t blame Zanjoe kung nagselos man siya kay Paulo noon dahil kay Bea. Kaselos-selos naman kasi ang kagwapuhan ni Paolo kapag nakitang kasama ng girlfriend, ‘di ba Alwyn “Diva That You Love” Ignacio?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending