‘Virus’ ng The Cure nina Jen at Tom kalat na

May 17,2018
share this

‘Virus’ ng The Cure nina Jen at Tom kalat na

May 17,2018
share this


IBA rin ang level ng Kapuso primetime series na The Cure. Hindi na kasi maitatangging isa na ito sa mga serye sa bansa na talagang tinututukan ng mga Pinoy, bukod pa sa palagi itong trending topic sa social media.

Pasok sa Top 10 ng Social Wit List of April 2018 ang The Cure at kaliga lang naman nito ang mga international shows gaya ng Jersey Shore! Bongga, di ba?

Puro papuri at positive comments din ang ipino-post ng mga Kapuso viewers sa kanilang mga social media accounts tungkol sa The Cure. Hindi rin naman kasi matatawaran ang pagiging exciting ng kwento nito lalo pa’t makabago ang atake ng show sa ganitong istorya.

Sabi nga ng isang netizen, “The Cure is something to look forward to on television. Every night, may inaabangan kang highlight. Hindi OA ang cast. Saktong-sakto ang acting nila. Kudos to direk Mark Reyes. Siguradong expensive rin ang mga scenes bawat episode dahil sa dami ng extra at pasabog!”

Patuloy na samahan ang malupit na tandem nina Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez sa mas tumitindi pang mga episode ng The Cure ngayong nagsisimula nang maging epidemya ang kuweto nito sa mga viewers!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending