‘Inidoro’ scene nina Glaiza at Lauren sa Contessa trending sa social media

May 17,2018
share this

‘Inidoro’ scene nina Glaiza at Lauren sa Contessa trending sa social media

May 17,2018
share this


WAGING-WAGI ang nakakalokang confrontation scene nina Glaiza de Castro at Lauren Young sa pinag-uusapang afternoon series ng GMA na Contessa.

Kung kamalditahan din lang ang labanan, siguradong sina Glaiza at Lauren ang magso-showdown sa finals. Bukod sa mga nakakawindang na dialogue, matindi rin pisikalang away ng dalawang Kapuso actress sa serye.

Nang sundan ni Daniella (Lauren) si Contessa (Glaiza) sa restaurant kung saan magkasama sila ni Jong (Jak Roberto), maaanghang na salita agad ang ibinungad ni Daniella sa ating bida, kaya naman hindi nagpatalo si Contessa at binalaang wag siyang babanggain nito.

Hayun, mula sa bangayan ay nauwi sa pagngudngod ni Daniella sa mukha ni Contessa sa toilet bowl! Hindi nagpatalo si Contessa at siya ang kumabig para maingudngod si Daniella sa inidoro. Laban kung laban, at hindi na magpapatalo si Contessa lalo na sa mga taong umapi at nagpakulong sa kanya.

Napapanood pa rin ang Contessa sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Eat Bulaga. Kasama rin dito sina Gabby Eigenmann, Phytos Ramirez, Chanda Romero, Tetchie Agbayani, Geoff Eigenmann at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending