John Lloyd ayaw nang magpa-interview tungkol sa showbiz; kinalbo ni Ellen

By Ervin Santiago May 16,2018
share this

John Lloyd ayaw nang magpa-interview tungkol sa showbiz; kinalbo ni Ellen

By Ervin Santiago May 16,2018
share this


KUMALAT sa social media ang Instagram video ni John Lloyd Cruz habang sine-shave ni Ellen Adarna ang kanyang ulo. Caption ng sexy star sa video: “Today’s Agenda” na may hashtag na “#thingswedoathome.”

Ayon sa mga followers ni Ellen, mukhang hindi naman daw affected ang sexy star sa demanda ng pamilya ng menor de edad na kanyang hiniya sa socmed.

Samantala, naka-mohawk hairstyle ngayon si John Lloyd at muli nga siyang nagpakita sa publiko kamakailan sa isang art exhibit kung saan siya nakorner ng ABS-CBN News reporter na si Mario Dumaual.

Sa isang video na kuha sa Archivo 1984 exhibit na “Reinterpreting Vic Delotavo’s Posters for Philippine Cinema” sa UP Vargas Museum, kung saan isa si John Lloyd sa tampok na artists, mapapanood ang paglapit ni Mario Dumaual sa aktor.

Sinubukan daw interbyuhin ng entertainment correspondent si Lloydie pero tumanggi ito at humingi ng paumanhin. At nang magtanong uli ang veteran news reporter umiwas nang tuluyan si John Lloyd sabay sabing, “Hay naku, I don’t wanna deal with that. I’m sorry. Excuse me.”

Sabi pa raw ng aktor, hindi na siya nagpapa-interview about showbiz. Ibig bang sabihin nito, talagang kinalimutan na niya ang showbiz?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending