P106.5M jackpot ng Ultra Lotto mailap

By Leifbilly Begas May 16,2018
share this

P106.5M jackpot ng Ultra Lotto mailap

By Leifbilly Begas May 16,2018
share this

Walang nanalo sa P106.5 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola noong Martes.

Walang tumama sa winning number combination na ‪32-15-23-10-18-22‬, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office.

Inaasahang aabot sa P110 milyon ang jackpot prize sa Biyernes.

Nanalo naman ng tig-P34,510 ang 25 mananaya na nakakuha ng lima sa anim na lumabas na numero.

Tig-P740 naman ang 928 mananaya na nakakuha ng apat na numero at balik ang P20 taya ng 16,579 mananaya na nakatatlong numero.

Huling tinamaan ang jackpot prize ng Ultra Lotto noong Pebrero 16. Pinaghatian ng dalawang mananaya ang P331.9 milyong jackpot prize.

Ang Ultra Lotto ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending