May hugot: Cristine in-unfollow ang asawa sa IG | Bandera

May hugot: Cristine in-unfollow ang asawa sa IG

Ervin Santiago |May 16,2018
facebook
share this

May hugot: Cristine in-unfollow ang asawa sa IG

Ervin Santiago - May 16, 2018 - 12:20 AM

CRISTINE REYES AT ALI KHATIBI

IN-unfollow ni Cristine Reyes sa Instagram ang kanyang asawang si Ali Khatibi.

Kaya naman ang tanong ng kanilang social media followers, totoo nga kayang may pinagdaraanan na namang matinding problema ang dalawa? True raw ba na hiwalay na sila?

Bukod sa pag-unfollow ni Cristine sa IG ni Ali, napansin din ng mga netizens na wala nang ipino-post ang aktres na mga litrato nila ng asawa. Nitong mga nakalipas na araw, puro picture nila ng kanyang anak na si Amarah sa beach ang makikita sa kanyang IG.

Limang tao lang ang pina-follow ni Cristine sa Instagram ngayon at wala roon ang kanyang asawa.

Pina-follow pa rin naman ni Ali si Cristine sa IG pero wala rin siyang ipino-post na litrato nila ng kanyang misis.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending