DOT Secretary Romulo-Puyat pormal nang nanumpa kay Digong

May 15,2018
share this

DOT Secretary Romulo-Puyat pormal nang nanumpa kay Digong

May 15,2018
share this

PORMAL nang nanumpa si Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat kay Pangulong Duterte sa Malacanang kamakalawa ng gabi

Pinalitan ni Puyat ang nagbitiw na si Wanda Teo.

Nagsilbi si Puyat bilang Undersecretary for Administration, Agribusiness and Marketing, at Regional Engagement simula 2017 sa Department of Agriculture (DA).

Naging Undersecretary for Special Concerns sa DA noong Aquino administration.

Bukod dito, nagsilbi ring consultant sa Presidential Management Staff (PMS) si Puyat noong panahon ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Anak si Puyat ni dating senador at dating Foreign Affairs Secretary Alberto Romulo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending